Sarah maingat, responsable kaya di papayag na mabuntis ni Matteo

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

O, di ba? After nating ibalita na may nabili nang lupa si Matteo Guidicelli sa Cebu City ay lumabas din ang tsikang mayroon din silang kaibigang pari ni Sarah Geronimo na nagbibigay ng payo sa kanila sa lahat ng bagay.

Hindi nga lang daw kasama rito ang usaping puso at pag-ibig. Ang sabi nga ng magdyowa, wala pa talaga silang seryosong usapan tungkol sa kasal. Sey nga ng Pop Princess, baka after five years pa bago siya magdesisyong lumagay sa tahimik.

Dagdag nga ni Sarah, sa loob ng limang taon, marami pang posibleng maganap sa buhay nila ni Matteo, pero pareho silang umaasa na sana’y sila na nga ang itinadhana. Bukod dito, marami rin ang kinilig sa latest statement ni Matteo na hindi niya masasabing si Sarah ang dream girl niya dahil sabi ng binata, “She’s my one and only girl!”

Wala lang, kilig-kiligan lang kahit hindi na kami bagets. Ha-hahaha!

Anyway, naniniwala kami na parehong maingat at responsable sina Matteo at Sarah kaya tulad ng ibang Popsters, we believe na hindi matutulad si Sarah sa ibang female young stars na nabuntis nang maaga at hindi kasal.

Read more...