Kalat na: John Lloyd biglang nauntog, nagsawa na sa kandungan ni Angelica

ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

ANGELICA PANGANIBAN AT JOHN LLOYD CRUZ

Nagkasawaan. Ganu’n kung ilarawan ng mga close kina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban ang kinauwian ng kanilang relasyon. Sa sobrang pagsasama nila ay pumasok agad ang sawa factor na itinuturong dahilan kung bakit nanamlay ang kanilang romansa.

Pero napakabilis naman. Nagtagal nang maraming taon sina Angelica at Derek Ramsay, nag-live-in din naman ang dalawa, samantalang hindi naman nagsama sa isang bubong sina JLC at Angel.

Isang miron ang nagbulong sa amin, “Sawain talaga sa babae si John Lloyd. Kapag wala nang idi-discover sa girl, tinatabangan na siya.”

Maraming beses nang nagkakaroon ng tampuhan sina Angelica at John Lloyd, pero naiaayos naman nila ‘yun, kaya itinuturing na kakaiba ng kanilang mga kaibigan at kasamahan itong huling nangyari sa kanila.

Minsan ay may nakapagkuwento sa amin na stubborn girlfriend si Angelica. Matigas ang ulo, may sariling mundo, walang pinakikinggang mga payo.

“Saka palaaway si Angel, hindi ganu’n ang tipong gusto ni John Lloyd, alam n’yo naman ang pagka-conservative ng lalaking ‘yun! Lumang tao si John Lloyd, kaya nauntog na siguro siya sa katotohanan na hindi si Angelica ang gusto niyang makarelasyon nang matagalan,” dagdag ng aming impormante.

Tama ang sinabi ng isang magaling na aktres, sa pakikipagrelasyon daw ay sitenta porsiyento lang dapat ang ibinabahagi ng babae sa lalaki, ang natitirang treinta porsiyento ay kailangang inaangkin ng babae na sa kanya lang.

“Araw-araw, kailangang may excitement, may bagong dini-discover ang guy. Kapag nakalantad nang lahat, ano pa ang saysay ng isang relasyon?” paalala pa ng magaling na aktres.

Read more...