Hindi pa ako handang tumakbo sa mataas na posisyon! – Ate Vi

By Reggee Bonoan June 12,2015
share this

Hindi pa ako handang tumakbo sa mataas na posisyon! – Ate Vi

By Reggee Bonoan June 12,2015
share this
VILMA SANTOS

VILMA SANTOS

KINLARO ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto kina Doris Bigornia at Elvin Elchico sa DZMM noong Miyerkules ng gabi na wala siyang natatanggap na alok bilang running mate ng sinumang kakandidato sa pagka-Presidente sa 2016.

Matunog kasi ang pangalan ni Ate Vi dahil sa maganda niyang record sa Batangas. Sabi nito, “I’m not mentally, physically and emotionally prepared para sa mas mataas na posisyon. Sa diyaryo ko lang nababasa, pero sa totoo lang, wala talagang offer.”
Kamakailan lang ay nasulat namin dito na matunog ang pangalan ni Gov. Vilma na muling bumalik sa pagka-mayor ng Lipa City base sa mga nakausap naming kababayan niya.

“Wala pa talaga hindi ko pa naiisip kasi ang concentration ko ngayon ay ang huling termino ko nilang gobernador,” sabi pa ng aktres-politiko. Indirect rin niyang inamin na mas gamay niya ang administrative kaysa legislative.

“Kasi kung legislative position, kailangan ko uling mag-aral pa dahil gumagawa na ng batas ‘yan, e, mas gamay ko ang administrative, kung baga gamay ko ang pulso ng masa,” say niya.

Inamin din ni ate Vi na hindi naman niya isinasara ang pintuan niya sa pulitika dahil 18 din siyang nagsilbi sa lalawigan ng Batangas kaya talagang kabisado na niya kung paano ito patakbuhin at nagtagumpay naman siya dahil walang masabing hindi maganda ang mga kababayan niyang Batangueño.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending