Gustong bumukod | Bandera

Gustong bumukod

Pher Mendoza - June 12, 2015 - 03:09 AM

MANANG, ako po si Mark D. Gallo, 22, ng Sta. Rosa, Binan, Laguna. My ka-live-in po ako at two years na kaming nagsasama. Ang problema ko po ay hindi ko naibibigay ang gusto niya, gaya ng pagbukod sa pamilya ko. Wala pa po kasi kaming ipon. Ano ang dapat kong gawin?
Mark D. Gallo

Hello Mark ng Laguna! Kung two years na kayong nagsasama na parang mag-asawa, may karapatan ang partner mo na hingin ang pagbukod n’yo.

Kung seryoso ang i-nyong relasyon, it’s best nga naman to be independent from your family and start your own.
Maaari namang pag-usapan n’yo ito at isipin ang plano ng gastos at iba pa. Para sa akin, kung mahal mo siya ay ibigay mo ang hinihingi niya dahil baka maging cause pa ito ng tensyon sa in-yong relasyon.
Maybe kung hindi pa kaya, give her an assurance and deadline kung kailan so she can adjust her expectations. Wala namang tao ang gustong nakikitira lang so isipin mo rin ang sitwasyon niya, ninyo.
Again, if you’re serious with her and you can actually see her as a life partner, I suggest to keep your relationship a priority.
Ang payo ng tropa
Hi Mark,
Para sa akin, mas maganda ngang pagbigyan mo ang partner mo na magbukod na kayong dalawa.
Mas exciting at mas mapapaganda ang pagsasama n’yo dahil wala gaanong nakikialam at mas matututo rin kayong bumuo ng sarili nin-yong pamilya.
Tungkol naman sa mga gastusin, mapag-uusapan nyo naman ‘yan nang maayos kung pareho kayong may trabaho.
Sa panahon ngayon dapat nagtutulungan ang bawat nagmamahalan.
Oki.
Ate Jenny

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending