Pang-iintriga kina Grace Poe, Mar Roxas tigilan na – Palasyo

NANAWAGAN  ang Palasyo na tigilan na ang pang-iintriga sa pagitan nina Interior Secretary Mar Roxas at Sen. Grace Poe matapos makipagpulong muli si Pangulong Aquino sa senador.

Kinontra ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) head Secretary Herminio “Sonny” Coloma ang mga ulat na talagang hindi si Roxas ang napipisil ni Aquino para sa pagkapangulo sa 2016 kundi si Poe.

“Mainam na hintayin ang pasya ng Pangulo at itigil ang pag-iintriga; marami pang reporma at programang pangkaunlaran ang pagtutuunan ng pansin,” sabi pa ni Coloma.

Nauna nang kinumpirma ni Poe na nagkita silang muli ni Aquino, bagamat sinabing hindi tuwirang pinag-usapan kung anong posisyon ang inaalok sa kanya para sa 2016 presidential polls.

Read more...