Sa pag-aabroad aasenso

Sulat mula kay Aira ng San Francisco, Bombon, Camarines Sur
Dear Sir Greenfield,
Tapos ako ng kursong HRM at marami na akong naaplayang trabaho pero lagi pong ang sinasabi sa akin ay tatawagan na lang pero hindi naman ako tinatawagan. Nahihiya na ako sa mga magulang ko kasi sa edad kong ito— 25 na sa darating na July 18—until now wala pa rin akong work. Itatanong ko lang sana kung kailan po kaya ako magkakaroon ng regular at magandang trabaho at kung may pag-asa pa rin kayang makapa-abroad ako kung sakaling sa ibang bansa ako mag-aaplay?

Umaasa,
Aira ng Camarines Sur
Solusyon/Analysis:
Palmistry;

Tama ka, Aira, mas mainam siguro kung sa ibang bansa ka mag-aaplay dahil kitang-kita ang malinaw na Travel Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, kung lakas loob kang mag-aaplay sa abroad kahit walang pang-placement fee, ang takdang kapalaran ang masusunod sa dakong huli—maluwalhati kang makapaga-abroad!

Cartomancy:

Ten of Hearts, Nine of Diamonds at Queen of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung maglalakas-loob kang mag-aaplay sa abroad ngayong taong ito, sa buwan Setyember o kaya’y Oktubre at puwede ding sa buwan ng Nobiyembre, mabilis ang magaganap. Sa edad mong 25 pataas ay may isang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Itutuloy

Read more...