Sulat mula kay Grace ng Barra, Opol,
Misamis Oriental
Problema:
1. Sa edad kong 37 sa darating na June 25 until now hindi pa rin ako nakapag-aasawa, Sa totoo lang matagal na akong umaasa na may darating na isang tapat at mabait na lalaki sa aking buhay ngunit tila bingi si Lord sa aking mga panalangin.
Ang birthday wish ko nga sana magka-boyfriend na ako sa ika-37 kong edad. Sa ngayon kasi ako na lang po ang walang asawa sa aming pitong magkakapatid, lahat sila ay may kanya-kanya na pong pamilya.
2. Kaya sana sa mapamamagitan ng iyong karunungan, malaman ko kung sa edad kong ito makapag-aasawa pa kaya ako?
Kung makapag-aaswa pa ako kailan po kaya ito magaganap at kung makapag-aasawa pa ako magkaka-anak pa kaya ako?
Umaasa,
Grace Misamis
Oriental
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Cancer (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa sign na Capricorn ang darating sa buwan ding ito ng Hunyo o ka’y Hulyo, upang ikaw ay suyuin at mahalin.
Numerology:
Ang birth date mong 25 ay nagsasabing ang lalaking darating na isa ring matanda binata na nagta-trabaho sa isang bangko at mayaman ay isinilang sa petsang 17.
Physiognomy:
Ang hugis ng iyong mukha na pahaba na medyo maliit ay nagsasabing isang lalaking medyo mataba na malaki ang tiyan ang nakatakda mong mapangasawa at makakasama habang buhay.
Huling payo at paalala:
Grace ayon sa iyong kapalaran may nakatakda lalaki sa iyong buhay at ang lalaking ito ay nakatakdang dumating sa taon din ito ng 2015 sa buwan ng June o kaya ay July, 6 sa edad mong 37 pataas, at pagkatapos ng humigit kulang sa kalahating taong relasyon pagbungad na pagbunga ng taong 2016, sa buwan ng Enero, tiyak ang magaganap, may isang simple perong masayang kasalang itatala sa iyong kapalaran na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.