NAGBANTA ng mass resignation ang ilang mga senior officials ng Philippine National Police makaraang lumabas ang mga report na isang one-star Police General mula sa PMA Class of 1984 at malapit sa Aquino Family ang susunod na PNP Chief.
Ayon sa ating cricket sa Kampo Crame, hindi payag ang ilang senior police officials na kabilang sa PMA Class 82 at 83 na hindi sa kanilang hanay ang magiging kapalit ni out-going PNP Chief Leonardo Espina.
Alam na rin ng mga opisyal ng DILG at PNP ang naturang banta pero wala silang magagawa sakaling ituloy ng pangulo ang pag-appoint sa naturang opisyal na dating kasapi sa Presidential Security Group noong panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.
Medyo malakas rin ang dating ni Sir dahil ngayon pa lang ay dumidikit na sa kanya ang ilang mga junior officers sa Camp Crame na gusto na ring maniguro ng magandang pwesto sakaling magkatotoo ang balita tungkol sa kanyang appointment.
Pati ang mga gambling lords sa rehiyon kung saan ay kasalukuyang Regional Director si “incoming PNP Chief” ay nagbigay na rin daw ng suporta sa inaasahan nilang susunod na Bossing ng pambansang pulisya.
Kapag in-appoint ng Pangulo ang opisyal na ito ay magkakaroon ng demoralisasyon sa hanay ng PNP.
Bukod sa marami siyang malalampasan sa hanay ng mga senior officials na karamiham ay deserving rin naman bilang pinuno ng PNP ay may itinatago pang mga secrets ang police officer na ito.
Bukod sa sangkatutak na kaso ng katiwalian na ikinakabit sa kanyang pangalan ay may mga kwestyon din sa kanyant leadership style.
Masyado raw mahilig sa bakasyon ang opisyal na ito na mas matagal pa ang inilalagi sa labas ng kanyang opisina kesa sa oras na ipinagli-lingkod nya bilang opisyal ng PNP.
Ang tanging maipagmamalaki lamang ng opisyal na tinutukoy natin ay ang pagiging malapit niya sa “kusina” lalo na sa Aquino sisters.
Hanggang sa mga oras na ito ay umaasa naman ang Liberal Party na ang kanilang manok na si PDDG Marcelo Garbo Jr. Ang hihirangin ng pangulo bilang bagong PNP Chief.
Naipangako na raw ng ilang LP officials sa Heneral ang naturang pwesto kaya maaga pa lamang ay kasama na sya sa ilang mga plano na nakatutok sa National Elections sa 2016.
Masasayang lahat ng kanilang plano kapag lumusot ang appointment ng Police General na manok ng Aquino Family.
Ang PNP General na lalayasan ng mga top police officials kapag hinirang ng pangulo na maging hepe ng pambansang pulisya ay si CSupt. P.R….as in Pekeng Rambo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.