Matteo ipapatayo ang dream house ni Sarah sa Cebu

sarah geronimo mat

And speaking of being serious, aba’y natutuwa rin kami sa nasagap naming tsika about Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo.

Bukod kasi sa napaka-consistent ng dalawa sa pagiging sweet and very caring sa isa’t isa, may mga umuugong na ring tsika na very soon ay may mas seryosong bagay na silang pagtutuunan ng pansin bilang magdyowa.

Ano pa ba yun kundi ang pagiging mas committed sa isa’t isa, di ba, kapatid na Ervin? May tsismis ngang after magsalita ni Sarah na by 35 ay dapat na may asawa na siya and raising her own family, marami ang nagpapalagay na may malaki ngang kinalaman ang kasalukuyan nitong relasyon kay Matteo.

At eto pa ang unconfirmed report mga ka-BANDERA at kapwa Popsters, mayroon na nga raw biniling property si Matteo sa isang posh subdivision sa Cebu City na plano nga nitong patayuan ng kanyang dream house.

Ang mga ganitong development kasabay ng mga tsikang nasa mas seryosong stage na ang relasyong Matteo-Sarah ang nagpapakumbinsi sa marami na very soon nga ay sa kasalan na mauuwi ang lahat.

Read more...