Basag na bintana sa bahay, konektado sa paghihiwalay nina Angelica at John Lloyd

angelica panganiban

WE’RE kinda surprised na malamang hiwalay na raw sina Angelica Panganiban and John Lloyd Cruz.

Nasulat recently sa isang broadsheet na hiwalay na ang couple but the reasons for their break-up were never revealed. Lately, napapansin naming hindi na masyadong active itong si Angelica sa kanyang Twitter account.

Wala na siyang posts at wala na rin siyang masyadong itsinitsika sa kanyang Instagram account. Ang last na nakita namin sa IG ni Angelica ay ang photo ng basag na bahagi ng kanyang bahay. Ni hindi niya sinabi kung paano nabasag at kung sino ang bumasag.

Since she did not report the incident to the police, kasi kung ini-report niya ay naging news item kaagad iyon, many predicted that it was caused by someone she knew na ayaw lang niyang pangalanan for fear na makaladkad ito sa intriga at kontrobersiya.

Since they were rumored to have reached Splitsville, many are asking kung may kinalaman ba ang basag na bahagi ng kanyang house sa sitwasyon nila ngayon ni John Lloyd.

May mga nabasa naman kaming comment from some netizens na nagkasawaan na lang daw ang dalawa kaya they opted to call it quits. Hindi na rin daw masaya si Lloydie sa piling ni Angelica kaya might as well, mag-break na lang.

 

Read more...