Mag-iina ni Jinggoy Estrada takot nang umuwi sa bahay, 4 na anak nagka-trauma

jinggoy estrda

Dahil sa naganap na nakawan sa kanilang bahay ay takot na takot nang umuwi ngayon ang mga anak nina Senador Jinggoy Estrada at Precy Ejercito.

Matindi naman kasi talaga ang nangyari habang nasa selebrasyon sila ng kaarawan ni Dra. Loi Ejercito, nu’ng nakaraang Biyernes nang gabi, sinalisihan sila ng mga magnanakaw, kaya sa imbestigasyon ay lumabas na may lima hanggang pitong oras na sa loob ng tahanan ng mga Estrada ang mga magnanakaw bago nahuli ang mga ito.

Matamlay ang mga alaga nilang aso, walang mga kasambahay na nakarinig sa pagpasok at paglabas ng mga magnanakaw, pero isa lang sa mga nagnakaw ang nahuli at nakatakas ang dalawa pa nitong kasama.

Kung puwede lang sana ay gusto nang du’n na lang matulog ng mga bata sa PNP Custodial Center, kapag dumadalaw sila kay Senator Jinggoy ay parang ayaw na nilang umuwi, nagka-trauma sina Konsehal Janella, Jolo, Julian at Jill.

Lalo na ang bunsong si Jill na sobrang pinuruhan ng magnanakaw, sa kuwarto ng bata ito umakyat-pumasok sa bintana, du’n din dumumi at ang paborito pang shorts ng bunso nina Senador Jinggoy at Precy ang ipinamunas sa ginawa nitong kasalahulaan.

Takot na takot ang magkakapatid, parang tuwing umuuwi sila ngayon ay gusto muna nilang matiyak kung walang ibang tao sa loob ng kanilang bahay, walang kapayapaan ng kalooban ngayon ang mag-iina dahil sa nangyari sa kanilang pamilya.

Read more...