“LAHAT yun fake!” Yan ang naiiritang sagot ng Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga nang matanong tungkol sa malilisyosong blind item sa kanila ng dyowang si Erich Gonzales.
May kumalat kasing balita na sila ni Erich ang tinutukoy sa isang blind item. Ayon sa chika, kaya lang daw napalapit ang Kapamilya actress sa pamilya ni Daniel ay dahil super generous ito.
Kung anu-ano raw kasi ang nireregalo ni Erich sa family ng kanyang bagong boyfriend. Pinalalabas ng mga tsismosa na masyadong materialistic ang angkan ni Daniel at mga mukhang pera.
Kaya naman nang makapanayam ng ilang entertainment reporter ang binata sa presscon ng “Dreamboys” (ang back-to-back-to-back concert nila nina JC de Vera at Matteo Guidicelli) ay isa ito sa mga naitanong sa model-actor.
“Well, yesterday, I saw this blind item. Lahat ng mga blind items na ‘yan ay super fake, e. Hindi po totoo. Where are they getting all these things?
“All these comments. So whatever it is, it’s pretty bad, e. Alam mo, it’s not even coming from us or anything, and they tend to make stories to make others believe those stories.
Pero, talagang it really (did) not come from us,” paliwanag ni Daniel na halatang apektado sa nasabing mga balita.Dito rin nilinaw ni Daniel na hindi totoong inahas niya si Erich sa businessman boyfriend nito kaya biglang naghiwalay ang dalawa na ilang taon ding naging magkarelasyon.
Niligawan niya si Erich nu’ng nakipag-break na si Erich sa lalaki. “Yes po. Hindi ako (ang dahilan ng break-up nila),” biting sagot ng binata. Ayaw munang magdetalye ni Daniel tungkol sa relasyon nila ngayon ni Erich dahil nangako raw sila kay Kris Aquino na sa morning show nitong Kris TV sila unang magsasalita.
Sey pa ni Daniel, wala naman daw talaga silang plano ni Erich na ibandera agad ang kanilang relasyon, nadulas lang si Daniel sa Kapamilya: Deal or No Deal.
Hirit pa ng Brapanese model, “I’ve been waiting three years back for a good relationship, a God’s relationship. We’ll, we promised Kris TV that we will do everything there muna. So siguro abangan niyo du’n sa Kris TV.”
Ano nga bang mga qualities ni Erich ang nagustuhan niya? “Bakit si Erich? Super ganda at mabait. And siguro she has the qualities po na gusto ko sa isang babae ‘di ba? God-fearing, (may) puso sa family.”