Bukod sa gustong ipamalas ni Kris Aquino sa mga anak na si Josh at Bimby ang simpleng pamumuhay sa Amerika ay plano rin palang mag-aral ng Queen of All Media.
Tinanong namin si Kris habang nasa Japan sila kung wala nang urungan ang plano niyang pagtira sa ibang bansa tulad ng sinabi niya sa Kris TV.
Sumagot naman kaagad ang TV host-actress, “We talked about that (pagtira sa Amerika) because I was 9 years old when we lived in the US and it really helped me become more independent and masipag.
“Pero iba ‘yung circumstances and I want to actually study (meaning audit courses) in Philippine History and World History. So, I was telling my staff baka sabayan ko si Bimb sa pag-aaral.
“Kasi nag-aral ako before to give my mom the diploma she asked for but already knew what career I wanted. Now, I want to study to really LEARN,” sabi pa ni Kris.
Isang taon ang nabanggit niya na planong paninirahan sa Amerika kaya tinanong namin kung paano na ang mga programa niya sa ABS-CBN at hindi ba’t may kontrata siya sa nasabing network?
“Reggs, contract with ABS-CBN expires January 15, 2016,” mabilis na sabi sa amin ni Kris. Sa madaling salita ay walang maiiwanang obligasyon ang Queen of All Media kapag umalis siya ng bansa next year dahil tatapusin niya lahat ng commitments niya.
Humirit pa ulit kami ng tanong, paano na ang staff ng Kris TV na mawawalan ng trabaho? Tanda namin, kaya hindi iniwan ng TV host ang morning show niya ay dahil sa mga katrabaho niya na ang Kris TV lang ang inaasahan para buhayin ang kaniang mga pamilya.
Sinagot kami ni Kris ng, “So much can still happen in 6 months, please don’t pressure me and let me enjoy our last day of vacation.”
Ha-hahaha! Oo nga naman bossing Ervin, baka nga naistorbo na namin ang nanay nina Josh at Bimby na nagbabakasyon sa Japan. Nalaman namin na nagsa-shopping pala siya habang nagpapalitan kami ng mensahe sa text.