Aiza nabwisit, bagong album libreng nai-download ng netizen sa internet

AIZA SEGUERRA

AIZA SEGUERRA

DISMAYADO ang singer na si Aiza Seguerra when she found out na meron nang nakapag-download ng kanyang bagong album sa internet. Nakausap namin si Aiza sa live guesting niya sa Aquino & Abunda Tonight kasama ang partner niyang si Liza Dino last Monday.

Hindi naitago ni Aiza ang lungkot nu’ng ikuwento ng associate producer ng A&A Tonight na si Grachel Castro na may isang fan si Aiza na aksidenteng na-upload hindi lang isang kanta kundi lahat ng nasa album.

Sinubukan lang daw hanapin sa net nu’ng fan ‘yung carrier single ng album ni Aiza pagkatapos niya itong kantahin sa ASAP last Sunday. Nagulat ‘yung fan dahil hindi lang ‘yung carrier single ang nandoon na pwedeng ma-upload ng libre kundi lahat ng songs, huh!

“Syempre, masakit,” malungkot na sabi ni Aiza sa amin. “Kalalabas lang ng album may ganoon agad. Well, I’ll just hope na marami pa rin na ang gusto ‘yung album mismo at bibili sila.”

Then, tinanong si Aiza ni Boy Abunda kung mawawala na ang Sessionistas sa ASAP. Puro replay na pala ang pinapalabas na jamming ng Sessionistas sa show. Kaya pala nu’ng umpisahan namin ang ASAP ay live pa na kumakanta at sumasayaw ang mga performers nila sa show. Pero pagdating sa Sessionistas nawala ‘yung nakalagay na “live” sa TV.

Sabi ni Aiza, medyo pahinga raw muna sila as a group sa ASAP dahil una, kapapanganak lang ng isa nilang member na si Princess Velasco. Then, buntis naman ngayon si Juris. At kakakasal nga lang ni Sitti sa triathlon athlete na si Joey Ramirez.
Sina Kean Cipriano at Nyoy Volante na lang daw ang hindi pa married sa grupo nila.

And speaking of Nyoy, obviously, ang boto ni Aiza goes for her co-Sessionistas member sa katatapos lang na Your Face Sounds Familiar. Hindi naman sa pagiging bias pero bumilib talaga si Aiza sa mga ginawa ni Nyoy sa show.

Mabilis na “oo” naman ang sagot ni Aiza when asked kung okey ba sa kanya na sumali rin sa second season ng show. Nag-trending kasi ang #aizainyourface sa social media kaya natanong si Aiza tungkol dito. For sure, hindi na makahintay ang mga netizen sa pagsali ni Aiza sa Your Face Sounds Familiar.

Read more...