ANGELICA di raw matahimik, ‘UTANG’ ni DEREK sinisingil na

Kaya  kung anu-anong kanegahan ang sinasabi

Madalas makitang magkasama ngayon sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban, lagi ring imbitado ang aktres sa mga selebrasyon sa pamilya ng aktor, hindi man sila umamin na sila na nga ngayon ay wala nang kailangan pang paliwanag.

Puro no comment lang ang isinasagot nila sa mga diretsong tanong kung may relasyon na ba sila, kung minsan naman ay pinagtatawanan lang nila ang tanong, siguro nga’y naghihintay pa sila ng tamang pagkakataon para sa kanilang pag-amin.

Maligaya na sila ngayon, kahihiwalay lang ni Angelica kay Derek Ramsay at ilang buwan pa lang ding naghihiwalay sina JLC at Shaina Magdayao, pero walang anumang maririnig mula sa ex ni John Lloyd.

Dahil masaya-maligaya na nga si Angelica sa piling ni John Lloyd ay maraming nagtatanong, bakit kailangan pa niyang magpakawala ng mga salitang hindi hinihingi ng panahon, sabihin man niyang hindi naman si Derek ang kanyang pinariringgan sa mga entry niya sa kanyang blog ay walang maniniwala.Kung anu-anong paghusga ang kanyang sinasabi, pero puro patagilid lang, walang banggit ng pangalan kahit pa nagkakaisa naman ang mas nakararami na si Derek ang kanyang pinatatamaan.

Ang opinyon ng marami, kung ganyan na maligaya na siya sa iba, dapat ay tantanan na niya ang pagkokomento tungkol sa kanyang dating karelasyon.

Nababawasan kasi ang paniniwala ng iba na maligaya na siya ngayon dahil meron pa rin siyang dinadalang sama ng loob tungkol sa kanyang ex, meron pa siyang “sinisingil” na kung ano, samantalang dapat ay maligaya na siya ngayon na kasama si John Lloyd.

At kung talagang matapang si Angelica, sana’y minsanin na niya ang paglalabas ng sama ng loob, diretsuhin niya nang si Derek Ramsay nga ang pinatatamaan niya para matapos na ang kuwento.

Ganu’n lang kasimple ‘yun.

Read more...