Sigaw ng netizens kay Kris: Umalis ka na, at huwag ka nang bumalik!

KRIS AQUINO

KRIS AQUINO

MAY bagong paeklay si Kris Aquino.

Maninirahan na siya sa United States next year. Walang kagatol-gatol niya itong sinabi sa kanyang morning show.

“Wala na ako dito next year, mare. I’ll live in America,” Kris told Daniel Padilla’s mom, Karla Estrada.

“Gusto ko talagang tumira sa States ng one year para ma-experience ni Bimb. Gusto ko lang ma-experience ni Bimb ang mag-ano…kasi sinabi ko sa kanya, feeling ko na naging mas rounded akong individual kasi nag-aral ako abroad and natuto ako lahat ng gawain for myself,” dagdag pa niya.

But are people buying her recent aria? Marami ang hindi, kasi nga ilang beses na rin naman niyang sinabi in the past na magku-quit na siya sa showbiz pero hindi naman niya ginawa. Masyado lang siyang magimik.

“Ilang beses mo na yan sinabi? Pero di mo ginawa hala layas na,” mataray na comment ng isang guy.

“Sa 10 sinabi ng babaeng ito yung isa parang di pa natutupad nag-iingay na naman kasi di sya napag-uusapan lakas ng tama ng babaeng ito sobra sa pagka KSP,” mas mataray naman na comment ng isa pa.

May nagsabi naman na kung aalis si Kris ay huwag na siyang bumalik para medyo tumahimik naman ang buhay niya.

Read more...