Ruffa kinuyog ng Netizens, kinalkal pati ang mga kinasangkutang iskandalo noon

ruffa gutierrez

HANGA kami sa lakas ng loob ni Ruffa Gutierrez na sagutin nang diretso ang tanong ng kilalang news anchor na si Karen Davila sa show nito sa ANC kung ano komento niya kapag may nagsabing malapit na siyang malaos.

“I will never be laos,” ang seryosong sagot ni Ruffa na ngayon nga’y umaani ng grabeng batikos sa social media dahil sa naging statement niya.

Wala ni isa man sa mga nabasa naming komento ang nag-agree na may karapatang magpahayag ng ganu’n si Ruffa dahil never naman daw siyang sumikat ng sikat na sikat in the first place.

Naging venue pa nga ito para makalkal ang iba pang isyu sa kanya noon tulad ng mga iskandalong kinasangkutan nila ng kanyang dating asawang si Ylmaz Bektas at ang patuloy na away nila ng kanyang inang si Annabelle Rama.

Wala kaming nabasang pumuri sa kanya bilang magaling na TV host, or a good actress. Kaya ang verdict ng lahat, hindi nga naman malalaos ang isang never namang naabot ang kasikatan ng mga pinagpipitaganang big stars and superstars ng showbiz.

Pero sa totoo lang kapatid na Ervin, humanga kami sa tapang ni Ruffa na magsalita ng ganu’n. Siya pa lang yata sa dami ng sikat na celebrities natin ang diretsong sumagot ng ganu’ng kabonggang statement tungkol sa pagkalaos! Bongga! Winner ang peg! Ha-hahaha!

 

Read more...