Angel sumobra na ang kapayatan, baka magkasakit sa sobrang diet

By Julie Bonifacio June 09,2015
share this

Angel sumobra na ang kapayatan, baka magkasakit sa sobrang diet

By Julie Bonifacio June 09,2015
share this

angel locsin

NAALARMA na ang ilang mga nakakita sa aktres na si Angel Locsin sa sobrang kapayatan niya ngayon. Marami ang nakapansin sa katawan ni Angel sa mga picture na lumabas sa social media nooong um-attend siya ng bridal shower ni Toni Gonzaga last Friday.

Huli naming nakita si Angel sapresscon ng Maalaala Mo Kaya last month. Pansin na agad ang kapayatan niya that time at lutang na lutang ang kanyang kaseksihan. Halos 20 inches na lang yata ang waistline niya, huh!

Pero sakto pa naman ‘yung katawan niya when we saw her kung para sa pagganap niya ng Darna sa big screen. Mukhang mas sexy pa siya kung ngayon na niya gagawin ang “Darna” kesa noong una niyang ginawa ang sikat na female local superhero sa teleserye.

After a month, mukhang mas pumayat pa si Angel sa latest picture niya na nakita namin sa social media. Mukhang kinakarir ng girlfriend ni Luis Manzano ang pagpapaseksi bilang paghahanda sa muli niyang pagganap bilang Darna.

But at the same time, may nagre-react na baka masobrahan naman sa kapayatan si Angel at mag-suffer na ang kanyang health hindi pa man niya nauumpisahan ang bagong movie version ng “Darna.”

We heard baka sa last quarter of this year pa niya masimulan ang “Darna.” Right now kasi gagawin muna niya ang movie nila ng Star For All Seasons na si Batangas Gov. Vilma Santos.

Noong nakausap namin ang batikang direktor at isa sa top executives ng Star Cinema na si Olive Lamasan nabanggit niya na baka raw next year pa maipalabas sa mga sinehan ang “Darna.”

Pero ngayon pa lang ay inaayos na nila ang script at costumes na gagamitin ni Angel sa movie. Nagpi-pre-production meeting na raw siya with the creative team ng “Darna” inlcluding the director of the movie na si Erik Matti.

Nasabi rin ni direk Olive na hindi niya alam kung aabot ang “Darna” sa Metro Manila Film Festival this year. Bagaman ang daming nagre-request na sa MMFF ipalabas ang “Darna.”

Naging isyu rin noon kung sino ang gaganap na bagong Darna among the leading ladies ng Kapamilya network, pero sabi ni direk Olive, “Siya lang, e. Siya lang talaga ang magandang gumanap na Darna, e. Kasi bukod sa katawan, athletic siya, ah, magaling siyang artista.”

This time, mas pinili raw nilang gawing movie ang “Darna” para ipakita sa mga tao na kaya rin nilang makagawa ng superb special effects, “Susugalan natin ‘yan,” diin pa ni Direk Olive.

So far, wala pa rin daw silang naiisip na leading man for Angel sa “Darna.” And then we asked her again kung wala bang kasama rito si Angel gaya ng ginawa noon ni Gov. Vi na “Darna at Ding” and “Darna vs the Planet Women”, “Naku, abangan natin. Eto pa lang ang simula, ‘di ba?”

At hindi pa man nauumpisahan ang first “Darna” movie ni Angel, may plano na yata ang Star Cinema for a sequel? Naku, ayaw ni Luis Manzano ng ganyan, huh!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending