Maraming kumukuwestiyon sa pagkapanalo ni Melai Cantiveros sa Your Face Sounds Familiar na nagpakitang-gilas bilang si Miley Cyrus sa huling showdown ng mga celebrity contestants.
Nakakuha ng 51.93 percent of votes sa final performance show si Melai, na malayung-malayo sa botong nakuha ng tatlong grand finalists na sina Nyoy Volante, Jay-R at Edgar Allan Guzman.
Sabi ni Melai matapos i-announce ang name niya bilang grand winner, “Ay naku, talaga sobra. I cannot believe this is happening. God moves in mysterious ways talaga, kasi hindi naman talaga kasi ako kuwan, singer, but Lord, thank you.
“Sa aking, kuwan, charity, sa simbahan sila, thank you very much kasi nagpray siguro sila ng rosary kaya nanalo ako. Thank you sa inyong pray,” chika pa ng komedyana.
Siya ang nag-uwi ng P2 million cash, ang kalahati nito ay ido-donate ni Melai sa kanyang chosen charity, ang Alay Kapwa Desk ng Social Action Center of the Diocese of Marbel.
Si Nyoy ang second placer na nakakuha ng 24.51 percent ng mga boto para sa kanyang last performance as Whitney Houston. Ang R&B singer na si Jay R na gumaya kay Frank Sinatra, ang third, at si Edgar Allan as Chris Brown ang fourth placer.
Nag-perform din ang apat pang celebrity contestants – sina Jolina Magdangal (bilang si Karen Carpenter), Maxene Magalona (as Nicki Minaj), Karla Estrada (bilang si Gloria Gaynor) at Tutti Caringal (as Bryan Adams).
But as expected, hindi lahat ng manonood ay agree sa pagkapanalo ni Melai sa YFSF. May mga nagsasabi na mas deserving daw si Nyoy o si Jay-R na maging grand winner.
Mas realistic daw kasi ang panggagagaya ng dalawang singers sa na-assign sa kanilang music icons kesa sa cartoonish na performances ng misis ni Jason Francisco.
Pero para sa amin, kung sino ang nagbigay ng kasiyahan at excitement sa audience, at talagang nagpakita ng dedikasyon sa bawat labanan, siya ang dapat na manalo.
At naniniwala kami na deserving din si Melai na manalo dahil sa bawat linggo ng showdown, siya talaga ang hinihintay ng madlang pipol.