Kris lalayasan ang Pinas sa 2016, maninirahan sa US

kris aquino

ISANG taon daw maninirahan si Kris Aquino sa Amerika sa 2016.

Ito ang sinabi ng TV host-actress sa kanyang morning show kanina na Kris TV sa ABS-CBN. Sey ng presidential sister, gusto niyang ma-experience ng mga anak, lalo na ni Bimby ang buhay na malayo sa showbiz kung saan sila lang ma-iina ang magkakasama.
“Wala na ako dito next year, mare. I will live in America for a year,” ani Kris sa kanyang guest co-host na si Karla Estrada sa Kris TV.
Hindi naman sinabi ng TV host kung may kinalaman ba ito sa pagbaba sa Malacañang ng kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino sa susunod na taon bilang pagtatapos ng kanyang termino bilang Presidente ng bansa.
“Gusto ko talaga tumira sa America for one year para ma-experience ni Bimb,” sey pa ni Kris. Hirit pa nito, “Kasi sinabi ko sa kanya na feeling ko mas naging well-rounded akong individual kasi nag-aral ako abroad.
Tapos natuto ako lahat ng gawain for myself. Hello, nagugulat nga kayo ang galing kong mag-washing machine. “Tapos kapag after three months, hindi na kaya, umuwi na,” pahayag pa ni Kris.
Gusto din daw niyang ma-experience ni Bimby ang sumakay ng school bus sa US, “Try lang,” hirit pa ni Tetay na sinagot naman ni Karla ng, “Hindi mo kakayanin, mare. I’m telling you.”
“Kinaya ko kaya dati and those were the happiest years of my life,” ganting sagot naman ni Kris na nag-aral noon sa Boston, kung saan na-exile ang pamilya Aquino.

Read more...