Kumpirmado: Your Face Sounds Familiar may season 2 na

melai contiverospa

Kagabi in-announce kung sino ang kauna-unahang grand winner ng Your Face Sounds Familiar ng ABS-CBN.

Ang aming bet na manalo ay si Melai Cantiveros na ginaya si Miley Cyrus sa grand showdown, dahil bukod sa entertaining ang kanyang performance, naniniwala kami na maraming viewers ang boboto sa kanya, lalo na ang mga sumuporta rin sa kanya noon sa PBB.

In fairness, malakas din naman ang laban nina Jay-R, Nyoy Volante at Edgar Allan Guzman, pero feeling namin, mas lamang na sa kanila si Melai dahil siya talaga ang nagpapaligaya sa manonood sa bawat episode ng programa.

Anyway, inihayag din ng host ng programa na si Billy Crawford na sigurado nang magkakaroon ng second season ang YFSF, “Ang kasiyahan dito sa Your Face Sounds Familiar, muli niyo pong mapapanood dahil may season two po tayo!”

Read more...