Kahit raw busy si Julie Anne San Jose sa kanyang trabaho ay sinusubukan pa rin niyang magsulat ng mga tula. At kapag nagkakaroon siya ng time, nilalapatan din niya ang mga ito ng melody.
Iba-iba man daw ang mga tula at kantang naisusulat niya, mas marami pa rin daw ang mga nagagawa niyang may “hugot.” “Lately most of it, mga hugot song.
Kasi for me, that’s one way to connect to people,” anang multi-talented Kapuso artist. Ayon pa kay Julie, magandang gamitin ang music para iparamdam sa mga tao na hindi sila nag-iisa at may nakakaintindi sa kanila. “Through music, alam nila kung ano ang ibig sabihin nung kanta mo.
Makaka-relate, makaka-connect sila sa iyo. Kasi ‘di ba ganun naman talaga ang music? Pag nakarinig ka ng isang tono, or nakarinig ka ng magandang lyrics, parang nire-relate mo yung sarili mo du’n.”
Abala rin ngayon si Julie sa pag-arte lalo pa’t papalapit na ng papalapit ang pagsisimula ng Buena Familia, ang bagong Afternoon Prime series ng Kapuso Network.
Makakasama ni Julie Anne dito sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Jake Vargas, Kylie Padilla, Martin del Rosario at Mona Louise Rey.