PhilHealth para sa banyaga

GOOD day po. Ako po si Edward de Guzman. May mga kamag-anak po ako sa abroad. Nabalitaan ko po sa kaibigan ko na maaari nang magkaroon ng PhilHealth ang mga kamag-anak abroad. Paano po ba ito? Paano po kaya ang pagproseso nito? Sana ay matulungan ninyo ako. Salamat po.

REPLY: Para sa iyong katanungan, G. de Guzman, may bagong programang inilunsad ang PhilHealth para sa mga kamag-anak mo sa Australia.

Maaari nang magkaroon ng kasiguruhan sa kalusugan ang mga banyaga o mga dating Pilipino na nag-iba ng nasyonalidad pero magreretiro sa Pilipinas.

Kamakailan lamang ay nakipagkasundo ang Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth sa Philippine Retirement Authority o PRA .

Sa ilalim ng kasunduan, pangangasiwaan ng PRA ang pagpapatala ng mga banyaga sa ilalim ng Informal Economy member category ng PhilHealth.

Layunin nito na mas palakasin at palawigin pa ang ugnayan ng dalawang ahensiya at maitaguyod ang bansa bilang retirement haven ng mga kwalipikadong dayuhan bilang pagsuporta sa adhikain ng PhilHealth tungo sa Kalusugan Pangkalahatan.

Layunin ng programa na ma-cover ang bawat Pilipino, retiree man o hindi, dayuhan man para makamit ang 100 percent coverage na siyang mandato ng Philhealth.

Nakatakda rin na lumikha ng isang technical working group na siyang bubuo ng implementing rules and regulations nito.

Dr. Israel Francis
A. Pargas
OIC-Vice President, Corporate Affairs Group
PHILHEALTH

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa jbilog@bandera.ph, jenniferbilog@yahoo.com.ph or jenniferbilog97@gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

READ NEXT
Hypocrisy
Read more...