Bangayang Mega-KC nag-ugat sa inggit, isyu sa mana

sharon cuneta

NATAWA naman kami sa komento ng ilang bashers sa social media na obviously ay hindi mga supporters ng mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion.

Ang dami-dami kasi nilang alam na bersyon kung bakit may nangyayaring ganu’n sa mag-ina kasama na ang diumano’y pagpapapansin sa publiko, ang isyu ng kawalan ng trabaho sa showbiz (?), inggitan sa pamilya at kahit ang isyu ng “mana” ay naipasok na rin sa kontrobersiya.

May sinasabi kasi ang ilang netizens na matagal nang may misunderstading ang mag-ina dahil sa usaping mana. Hindi lang malinaw kung may kinalaman nga rito ang mga anak ni Mega kay Kiko Pangilinan.

Pati nga pagkukumpara sa mga ka-cheapan diumano ng mag-ina ring Annabelle Rama at Rufa Gutierrez na nagbabangayan din ngayon ay ginawa ring isyu ng bashers/haters.

Nakakaloka! Kung talagang pinapatulan ang mga ganu’ng pamba-bash ng mga taong walang magawa sa social media, eh, wala na ngang paglalagyan ang mag-ina.

Pansamantalang tumahimik ngayon sina KC at Shawie at kahit saan kami dalhin ng argumento ukol dito ay na kay Mega pa rin ang aming simpatiya bilang isang ina.

At sa bashers/haters na kinakarir ang pakikialam at pambabastos sa mga artistang aktibo sa social media, alalahanin n’yo, digital na ngayon ang karma. Ha-hahaha!

Sey nga ng Final 4 sa reality talent show na Your Face Sounds Familiar na sina Jay-R, Nyoy Volante, Melai Cantiveros at Edgar Allan Guzman, “May mga kaanak at magulang din kayo.

Mga pamilya, kapuso, kapatid at kaibigan. Sana ay maisip din ninyong gaya ng mga binabanatan ninyong celebrities, tao rin sila na nasasaktan.” Pero ang tanong, tao nga ba talaga ang mga ito? Ha-hahaha!

Read more...