Sulat mula kay Lara ng San Antonio,
Lubao, Pampanga
Dear Sir Greenfield,
Mayroon po sa aking laging nagte-text na hindi ko malaman kung siya ay lalaki o babae at kung sino po kaya ang taong ito. Lagi niya akong pinapadalan ng sweet messages at kapag tinatanong ko kung sino siya, lagi nyang sinasabi sa aking “secret” daw po pero matagal na daw kaming magkakilala. Puwede bang malaman sa pamamagitan ng karnungan nyong tinataglay kung sino ang ka-text mate kong ito, na ayaw magpakilala?
Siya kaya ang dati kong manliligaw, siya kaya iyong sinasabing lalaking matagal ng may crush sa akin o baka naman siya iyong lalaking dati ko ng crush pero hindi naman kami magkakilala ng personal? August 5, 1993 ang birthday ko.
Umasa,
Lara ng Pampanga
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ito ay tanda na kung sakaling maging boyfriend mo ang mahiwaga mong ka-text mate, tiyak ang magaganap – kayo na nga ang magkakatuluyan!
Cartomancy:
King of Diamonds, Queen of Diamonds at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing siguradong-siguradong mayaman ang misteryosong ka-text mate mo at sa susunod na buwan ng Hulyo mo pa siya nakatakdang mabisto at tuluyang makikilala.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.