Buong tropa ng Showtime umapir sa stage nang walang make-up

vice ganda

Ang sinimulang Proud To Be Me ni Vice Ganda ay sinuportahan ng buong barkada ng It’s Showtime.

Last Thursday, lahat ng hosts ng It’s Showtime ay nagpakita ng full support kay Vice Ganda nang umapir sila sa show nang walang makeup na first time nangyari sa isang TV show.

Imagine, sina Vhong Navarro, Billy Crawford, Karylle, Coleen Garcia, Kim Atienza at Jhong Hilario ay nag-host nang walang kahit na ano mang makeup?

Apparently, lumalaki na ang Porud To Be Me campaign ni Vice dahil ang daming sumusuportang celebrities dito. Nagsimula ang lahat nang magbura ng make-up si Vice noong May 28 para ipakita sa isang teenager na si Pamela na maganda siya.

Binu-bully kasi si Pamela at para ipakita ang suporta sa dalaga ay buong ningning niyang binura ang kanyang makeup.
Umani ng papuri ang ginawa ni Vice Ganda.

Maraming celebrities ang nagpakuha na rin ng walang make-up to support his advocacy.

Read more...