Julie Anne pinaligaya ang OFW fans sa Amerika

julie ann san jose

Sa init ng suportang natatanggap ng GMA Artist Center star na si Julie Anne San Jose mula sa kanyang mga fans ay nagpasalamat ito sa pamamagitan ng isang intimate show na ginanap sa Fort McKinley sa San Francisco noong May 22.

Kababalik lang ni Julie Anne mula sa Amerika at sabik siyang nagkwento tungkol sa pakikipag-jamming niya kasama ng kanyang Filipino fans.

Hindi raw inaasahan ng Kapuso artist na aabot ang kanyang kasikatan sa ibang bansa, kaya masaya siya dahil nabigyan siya ng pagkakataong maipakita ang kanyang pagmamahal sa mga masugid niyang tagasuporta.

Napabalitang tatlong singles ang ilalabas ni Julie Anne sa mga susunod na buwan, at habang nasa San Francisco ay nag-shoot na nga siya ng mga music videos para rito.

Isa sa mga nasabing music videos ay ang “Tidal Wave”, na nailabas ang digital format kamakailan sa iTunes.Excited ang Kapuso star na maipanood sa lahat ang nagawa nilang music video dahil kakaibang Julie ang maipapakita niya rito.

“Magkakaibang theme yung tatlo, at medyo underground yung attack niya. Meron ding light lang, yung parang tipikal na boy meets girl, pero may isang intense kasi dance video siya,” kwento pa niya.

Talagang maraming aabangan kay Julie Anne dahil kamakailan ay pumirma pa siya ng kontrata sa Motortrade bilang bagong ambassador ng kampanyang “Learn To Ride Safely”.

Nakita nila ang pagiging makabagong babae ni Julie Anne kaya naman ninais nilang siya ang kumatawan sa adbokasiya nilang ito.

Bukod pa riyan ay mapapanood si Julie Anne sa bagong serye ng GMA, ang Buena Familia, kung saan makakatambal niya uli ang Kapuso actor na si Jake Vargas.

Read more...