NAKAKATUWA naman ang kaibigan nating si Laguna Board Member Angelica Jones – super-character talaga ever since.
Walang tatalo – truly amusing. It has nothing to do with her pregnancy – that’s a different story.
This is funnier and more nakakalurkey.
Di ba’t pinamamarali ng bagets na pulitiko nating ito na nag-masters siya sa University of Makati on a certain course?
May istorya pala tungkol dito, ayon sa kuwento ng dati niyang schoolmate roon.
Totoong nag-enroll du’n si Angie pero ang ikinaloka raw nila ay palagi itong may bitbit na media na nagbi-video sa kanya para raw sa kanilang press release.
Kaya lang, nang dumating na ang graduation, iba-iba na ang naganap sa kapaligiran ni Angelica. Gusto raw niyang magsuot ng toga para makuhanan ng pictures para sa press releases yata niya pero hindi siya pinayagan ng school.
“Hinanapan siya ng records niya nu’ng college dahil masteral na nga siya.
Pinayagan kasi siyang mag-enroll kahit to follow na lang ang papers niya.
Kasi, modules-modules lang naman iyon, e, dahil alam naman nilang she’s into politics.
“Pero walang maiprisenta si Angelica, ang katwiran niya, nasunog daw ang dati niyang school kaya walang natirang records.
Pina-research nila ang records niya sa DepEd, pero wala naman palang ganoon. Kumbaga, hindi naman pala siya nakapag-aral talaga.
“Dinahilan lang niya iyon para di siya mapahiya.
Kaya sinabihan siya na ayusin agad ang records niya kung gusto niyang gumradweyt pero di niya ginawa.
Nu’ng dumating ang graduation rites, since hindi naman talaga siya puwedeng umakyat ng stage to receive her diploma supposedly, nagdahilan na lang siyang may sakit siya.
“In short, hindi talaga siya naka-graduate dahil wala siyang past records na very necessary sa graduation status niya.
Nakakatawa talaga ang babaeng iyan, eksenadora,” kuwento ng kakilala namin na nagtapos sa same school.
Hindi na bago sa amin iyan as far as Angelica Jones is concerned.
Mahilig talaga silang umeksena ng kanyang ina.
In fairness naman to both of them, kahit para silang mga hilong-tatilong, nagtagumpay silang makamit ang kanilang mga mithiin sa buhay.
Pareho silang komedyanang mag-ina, mahilig sa publisidad at kung anik-anik.
That helped Angelica become popular though – winning a seat sa Laguna politics.
Nakakatawa sila, di ba? Onli in da Pilipins.
Still on Angelica Jones, may pinalutang silang isyu regarding the paternity of the child that she’s carrying.
May naglabasan kasing chika na itinuturo si Laguna Gov. ER Ejercito to have sired her of the baby that she’s conceiving – kesyo sa Villa Escudero raw sila nagtatagpo ni Gov. ER madalas.
Mabilis namang itinanggi ito ni Angelica at nagpainterbyu pa siya na kesyo nakakahiya raw kay Gov. ER na pati siya ay nadamay sa kanyang pagbubuntis gayong ang tunay na ama raw ng kanyang dinadala ay isang certain Dr. Gerald Alday.
“Ibang klase talaga iyang si Angelica.
Na-confirm naming sa kanya galing ang karumal-dumal na tsismis na iyan.
Napakagaling niyang maglaro ng salita.
Meron kasi silang nakasama sa Villa Escudero minsan sa kanilang meeting.
Di naman kasama si Gov. ER sa meeting nilang iyon, it’s for the San Pablo politicos kumbaga and a certain group yata of kababaihan that Angelica heads.
“Dinig na dinig ng source namin ang sabi ni Angelica sa isang hotel staff, ‘Pag dumating si Gov. ER, pakibigay mo na lang sa kanya ang susi ng kuwarto ko.’
That gave the people who heard what she said a wrong signal.
Kung ikaw ang nakarinig and finding out her situation now na buntis siya, iisipin mo ngang si Gov. ER ang nakabuntis sa kanya.
Tapos ngayon sasabihin niyang nakakahiya kay Gov. ER samantalang sa kanyang bibig galing ang mga kagagahang salitang iyon.
“If it was meant as a joke, what a sick joke, di ba? Ito talagang Angelica Jones, mahusay gumawa ng kuwento,” anang source ko.
Any comment, Angie? May kasama ka bang certain Ms. Cecile sa Villa Escudero who heard what you said?
Sa susunod, ingat sa mga maling salita dahil that might just nail you.