Tiangco nagsorry sa ginawang away

tiangco-poe1
Humingi ng paumanhin ang kaalyado ni Vice President Jejomar Binay na siyang nagsiwalat na diskuwalipikadong tumakbo si Sen. Grace Poe sa 2016 presidential elections.
Sinabi ni Navotas Rep. Toby Tiangco, interim president ng United Nationalist Alliance, na hindi niya sinasadya napag-awayin ang dalawang pamilya at titigil na rin umano siya sa pagkuwestyon sa kuwalipikasyon ni Poe na tumakbo.
“I apologize for having cuased damage to the friendship of the Poe and Binay families. I will follow Cong. Abby’s (Makati Rep. Abigail Binay) advise to stop speaking on the matter as this is an issue for the proper courts to decide,” ani Tiangco.
Humarap si Tiangco sa media dala ang certificate of candidacy na inihain ni Poe noong 2013 senatorial elections.
Sinabi ni Tiangco na hindi kuwalipikado si Poe na tumakbo sa eleksyon dahil nakasaad sa kanyang COC na anim na taon at anim na buwan pa lamang siyang residente ng bansa.
Sa 2016 elections ay siyam na taon pa lamang umano siya kulang para sa 10 taong residency requirement para sa mga tatakbo sa pagkapangulo at bise presidente.
Depensa naman ng kampo ni Poe, Oktobre 2012 ng ihain niya ang COC kaya ito ay qualified.
Nanawagan din si Rep. Binay ng ceasefire sa word war dahil nagagamit umano ang media upang maging personal ang away.
Iniiwas din ni Rep. Binay ang kanyang ama at sinabi na wala silang kinalaman sa isiniwalat ni Tiangco.

Read more...