Huling semifinals seat nauwi ng Hapee

Mga Laro sa Lunes
(Ynares Sports Arena)
1 p.m. Hapee vs Cebuana Lhuilllier
3 p.m. Cagayan vsCafé France

NANUMBALIK ang bangis ng Hapee para angkinin ang huling upuan sa 2015 PBA D-League Foundation Cup semifinals sa 75-64 panalo sa Jumbo Plastic kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Dinoble nina Troy Rosario at Chris Newsome ang numerong ibinigay sa larong ito nang tumapos sila sa 13 at 12 puntos para madagdagan ang kanilang opensa upang manaig sa do-or-die game sa pagtatapos ng quarterfinals.

Sina Arthur dela Cruz Jr. at Baser Amer ang nanguna uli sa kanilang 18 at 17 puntos pero krusyal na mga puntos ang ginawa nina Rosario at Newsome na sa huling tunggalian noong Lunes ay nagkaroon lamang ng anim at apat na puntos para lasapin ng Hapee ang 83-87 pagkatalo.

“They really worked so hard to find a way to win. The players deserved all the credit,” wika ni Hapee coach Ronnie Magsanoc.

Ang semifinals na paglalabanan sa best-of-three series ay bubuksan sa Lunes at kalaro ng Hapee ang Cebuana Lhuillier na siyang number one team sa pagtatapos ng elimination round.

Ang Café France at Cagayan ang siyang magsusukatan sa isang laro.

Sina Paul Sanga, Jiovani Jalalon at Marcy Arellano ay mayroong 13, 10 at 10 puntos pero kinulang sila ng suporta sa pagkakataong ito para mamahinga na.

Sina Glenn Khobuntin, Khazim Mirza at Philip Paniamogan na nasa double digits sa unang labanan at nagsanib sa 37 puntos ay nalimitahan sa 12 puntos lamang.

Read more...