Umbagerong partner

AKO po si Menard, 20-years-old from Tondo Manila. Ako po ay may ka-live-in partner. Eight months na po kaming nagsama nang nag-away kami at nasaktan ko siya nang ilang beses.

Makaraan ang ilang araw ay pinatira ko muna siya sa tita niya, mga kapatid at pinsan niya habang ako ay nadestino sa Batangas. Napansin ko na bihira na siyang nagte-text o tumatawag sa akin. Iyon pala ay nasabi niya sa pamilya niya kung ano ang nagawa ko sa kanya. Lumuwas ako ng Maynila para kausapin siya nang personal, pero ayaw na talaga niya sa akin. Ano po ang dapat kong gawin?
Menard, alam mo ang nagawa mo sa iyong partner at hindi ito madaling kalimutan. Sabi mo nga ay ilang beses mo siyang nasaktan. What were you thinking?! Hindi natin masisisi ang GF mo kung hindi ka na niya gustong kausapin. Personally, Menard, I don’t see any hope after what you have done… What I can suggest is to write her a letter and express how sorry you are.

That’s it. Accept the fact na hindi na mababalik ang dati pero siguro naman ay maaari ka pa niyang patawarin but it might take some time. Pagsisihan ang nagawa and take this from me: “HINDI. DAPAT. SINASAKTAN. ANG. BABAE.” Good Lord, huwag daanin ang init ng ulo sa pananakit. Makipagtalo o makipagsigawan pero sana naman huwag manakit. Maaari ka rin niyang sampahan ng kaso. Menard, Menard, Menard, make this a life lesson and move forward with your life. Tanungin at suriin mo din ang iyong sarili kung bakit mo iyon naggawa. Walang nagmamahal ang nananakit…

Read more...