KRIS gumanda at mas bumata mula nang makasama si CHIZ

Halos iisa ang komento ng mga nakakausap namin na sumusubaybay sa morning show ni Kris Aquino sa ABS na Kris TV.

Bukod daw sa gumanda ang TV host-actress, bumata rin daw ang itsura nito.

Kung noon daw ay medyo halata nang nagkakaedad si Kris, ngayon daw ay nagmukha itong dalaga uli.

Hindi mo raw iisipin na  meron na siyang binatang anak (Joshua) at may inaalagaan pang maliit na bata (Bimby).

Kapag daw napapanood nila ngayon si Tetay sa Kris TV ay fresh na fresh itong tingnan, bukod pa sa maganda talaga ang bukas ng kanyang mukha ngayon.

Mukhang mas hiyang nga si Kris sa pagiging single, baka nga masyado siyang nape-pressure kapag meron siyang dyowa kaya kung minsan ay nawawala ang kanyang freshness.   Biro naman ng isa naming friendship, hindi raw kaya ang fresh na aura ngayon ng TV host-actress ay dahil kay Sen. Chiz Escudero na halos araw-araw nga niyang kasama sa Kris TV? Ha-hahaha!

Dapat nga bang kabahan na si Heart Evangelista?

O, pwede ring totoo ang sinabi ni Kris na mas tahimik ang buhay niya kapag wala siyang dyowa kaya wala siyang masyadong problema?

Read more...