Ian Veneracion: Parang tunay na anak ko na si Daniel!

IAN VENERACION AT DANIEL PADILLA

IAN VENERACION AT DANIEL PADILLA

Parang tunay na anak na ang turing ni Ian Veneracion kay Daniel Padilla.

Ayon sa aktor na napapanood sa Pangako Sa ‘Yo bilang si Eduardo Buenavista, napalapit na sa kanya si DJ matapos silang magkasama sa seryeng Got To Believe kung saan sila gumanap na mag-ama. At muli nga siyang gaganap na tatay ng Teen King dito nga sa remake ng Pangako Sa ‘Yo.

Sa interview ng ABS-CBN, sinabi ni Ian na hindi na iba ang turing niya kay Daniel dahil sa tunay na buhay ay talagang parang magtatay na talaga ang turingan nila. At napakalaki raw ng naitutulong nito para mas maging makatotohanan ang mga eksena nila sa PSY.

“I’m happy to be working with him again kasi sobrang magkakasundo kami and especially on this show na napakalaki and I’m really proud of that,” anang aktor na talagang pinupuri ang pagganap sa PSY, lalo na sa mga madadramang eskena nila ni Jodi Sta. Maria na gumaganap naman bilang si Amor.

Ayon pa kay Ian, kahit daw wala silang trabaho ni Daniel, ay naglalaan pa rin sila ng oras para makapag-bonding.
“We’re so close. He’s almost like a son to me and even outside work nagkakasama kami. Sinasama ko din siya ‘pag may adventures ako na off-roading.

“Kapag umakyat ng bundok, magkakasama din kami so we’re very close. He’s like a son so I’m happy that maganda ‘yung career path niya and as a person he’s matured and he’s choosing the right path,” chika pa ng aktor.

Nagpapasalamat din si Ian sa madlang pipol dahil sa magagandang komentong natatanggap niya para sa pagganap niya sa PSY, “I admit that I am 40 na so all the more I am thankful for being given this opportunity to work with the likes of Jodi and Angelica (Panganiban) who are so much younger than me.”

Read more...