Sarah sa pagpapakasal kay Matteo: Wala pang groom, boyfriend pa lang!

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

MATTEO GUIDICELLI AT SARAH GERONIMO

AYAW pa ring umasa ni Sarah Geronimo na sila na nga ni Matteo Guidicelli ang magkakatuluyan sa huli. Ngunit ipinagdarasal daw niya ang bawat araw na dumarating para sa relasyon nila ng kanyang boyfriend.

Nang tanungin kasi ang Pop Princess sa isang interview kung nakikita na niya ang kanyang sarili na ikinakasal kay Matteo, umiwas ang singer-actress.

“Marami pang kailangang ayusin kasi ang hirap-hirap ng pagpapakasal. Ang dami kong stories na na naririnig …na hindi talaga biro-biro ang pagpapakasal. Kaya yung iba ay pinipili na mag-isa na lang sila. Pero siyempre kung ano ang kaloob pa din ng Diyos,” paliwanag ni Sarah.

Pero sey ng dalaga, maaaring magpakasal na siya limang taon mula ngayon. By that time, siguradong stable na ang lahat ng aspeto sa kanyang buhay. Sarah is turning 27 on July 25 kaya kung susumahin, edad 32 niya gustong mag-settle down.

Sey pa ni Sarah, “Siyempre hindi mo naman madidiktahan na dapat ay 32 magpapakasal na ako. Paano kung mas maaga pala?”

Tumatawang hirit pa ng dalaga, “Pero wala pa pong groom, boyfriend pa lang.”

Kamakailan, sinabi ni Matteo na umaasa siyang si Sarah na ang magiging asawa niya in the near future, pero aniya, hindi pa siya handa para mag-propose sa kanyang girlfriend. Bata pa raw sila ni Sarah para pag-usapan ang kasalan.

Read more...