Derek inokray ng bashers, tinawag na ipokrito, plastik

DEREK RAMSAY

DEREK RAMSAY

Derek Ramsay was trying to project a good father image when he posted a photo of him and his son sa kanyang Instagram account.

Miss na miss na raw niya ang anak niya ang kaya naman binati niya ito ng advance happy birthday.

That photo which surfaced sa isang popular website generated nothing but lait kay Derek. Masyado kasing naplastikan ang mga nag-comment sa actor. Ang feeling nila ay wala itong sincerity.

Kasi naman, noong una ay in denial pa siyang may anak siya tapos ngayon ay todo bati pa siya sa anak niya. Parang wala nga namang logic ‘yon, ‘di ba? Mas bibilib pa kami sa kanya kung hindi na niya ito idinaan sa social media.

“This time last year, di nga alam na may son ka…tapos miss kaagad? hypocrite!” mataray na comment ng isang guy.

Ang feeling naman ng isa ay, “Publicity me movie yata..pa good image muna bilang father.”

“Pala-Ocean Deep na ksi si derek. ang gwapo nung anak nya though,” paniwala naman ng isa pa.

Naku, Derek, mukhang marami pa rin ang galit sa ‘yo dahil sa pagtanggi mo noong una na meron ka ng anak.

Read more...