John Lapus pinalitan na ni Darla bilang sidekick ni Kris

DARLA AT JOHN LAPUS

DARLA AT JOHN LAPUS

MABUTI para kay John Lapus na hindi sila “nagkakasalubong” sa mga showbiz gatherings ng King of Talk na si Boy Abunda.

Pagkatapos sumambulat ang isyu sa pagitan nila ng TV host years back ay hindi na naungkat ang tungkol dito. And at the same time, hindi na rin kasi sumagot si tungkol sa isyu.

Okey na rin naman si John at mukhang inadya naman na hindi sila nagkikita ni BA, “Siguro mabuti na rin ‘yun na hindi kami nagkikita sa mga events. E, kasi para walang okwardan,” sambit ni John.

Hindi naman daw sa dahil tapos na ang isyu. Kaya lang wala raw talagang chance na mag-usap sila, “Kasi ilang taon ako sa GMA 7, six years. Tapos magti-three years na ako na nakabalik sa ABS. Hindi naman na kailangang mag-usap.”

Pero kung may offer daw na magkasama sila sa isang talk show ni BA, payag naman si John, “Trabaho is trabaho. Mga bakla naman kami, e. ‘di ba on a Sunday? Naku, marami pang pwedeng mangyari.”

Tinanong din namin si John kung kumusta na sila ng best friend niya, ang Queen of All Media na si Kris Aquino. Okey naman daw sila at hindi nabawasan ag closeness nila kahit mas ka-close ngayon ni Kris si Vice Ganda.

“Hindi naman, siguro nabawasan lang ‘yung araw nang pagkikita namin. Noong araw kasi, araw-araw kami nagkikita. Bakit? ‘Yung Today With Kris na staff ako, limang araw. Laging live ‘yun. Saturday magyaya pa ‘yan ng kung anong rampa or shopping.

Or kaya naman sasamahan ko pa ‘yan na magbo-voice over ng The Buzz. Tapos Sunday The Buzz, so, araw-araw kaming magkasama,” kwento ni John.

Say namin kay John hindi ba ‘yan ang role ngayon ni Darla sa buhay ni Kris, “Well, technically. Sa mga hindi nakakaalam, si Darla ay hindi lang siya friend ni Kris, headwriter din siya ng show ni Kris. Akala siguro ng iba si Darla parang artista lang na kinukuha ni Kris. Si Darla kaya rin laging kasama ni Kris, staff din siya ng show.”

So, pwedeng sabihin na si Darla ang bagong John Lapus sa buhay ni Kris? “Ay! Pwede, technically. Kasi siya ‘yung laging, bakla na sidekick ni Kris. Might as well, ‘di ba? At least, pareho naman kaming maganda ni Darla. ‘Tsaka pareho kaming ano, hindi kami chubby, voluptuous ang tawag doon. Malalaman kaming bakla.”

Wala raw siyang nararamdaman na insecurity kay Darla pagdating kay Kris. Magkaibigan daw kasi sila ni Darla. “Nu’ng Kris Reality, noong lumalabas na si Kris, ako ‘yung unang-unang co-host naman ‘di ba? Doon pa lang inaano ko na si Kris, ‘Isama natin si Darla.’ Doon na nagsimula ‘yun. Ino-on cam namin si Darla, hanggang sa ‘yun, wala lang, masaya,” lahad pa ni John.

Anyway, balik talk show si John sa kanyang online show sa Push.com ng ABS-CBN Interactive titled “Korek Ka John” na napapanood every Wednesday at 5 p.m.. Kasabay nito, balik teleserye rin si John sa Kapamilya network. Kasama siya sa bagong soap nina Judy Ann Santos at Richard Yap mula sa Dramscape Entertianment.

Kasama rin sa cast ang aktor na si Diether Ocampo na matagal din na hindi napanood sa ABS-CBN. Ito rin ang unang teleserye na makakasama ni John si Juday.

“Malaki ang role ko kaya touch na touch na naman ako sa aking Dreamscape family, syempre kay Deo (Endrinal) na naman ‘to. Dahil sila lang din naman ang nagbibigay sa akin ng malaking soap. Ang maganda nabalitaan ko na nilakihan talaga ‘yung role nu’ng ako na.

“Kasi supposed to be assistant lang. Noong ako na, ‘Ay, sandali, si John na ‘yan. Tapos lakihan ninyo ‘yung role.’ Tsaka kasi romcom din naman ‘yung, syempre maliban sa romantic siya, dapat nakakatawa siya. Kaya happy ako dahil bagong challenge na naman ‘to. Iba na naman ang look,” ngiti ni John.

Executive assistant at relative ni Richard ang role ni John sa inaabangang unang tambalan sa teleserye nina Sir Chief at Juday.

Read more...