Daniel bumagsak ang career, nahawa sa pagkanega ni Erich

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

ERICH GONZALES AT DANIEL MATSUNAGA

DANIEL Matsunaga became the yummiest male star noong manalo ito sa PBB All-In, agree!? Kasi nga, guwapo ito at maganda ang katawan and very positive ang disposisyon sa buhay na siyang ikinabilib ng mga Pinoy sa kanya.

Kahit Brapanese siya (halong Brazilian and Japanese) at kahit meron siyang sexy background for being a semi-nude male model sa ibang bansa before he came here, nakapag-crossover siya to become a wholesome star in the Philippines. Malaking tulong sa karera niya ang frequent guesting niya sa KrisTV before.

In fact, napagdudahan pa nga sila ni Kris Aquino noon na nagdi-date in and out of the country. Pero lahat ng rumors na iyon ay biglang naglaho nang ma-link si Daniel kay Erich Gonzales. Hanggang sa finally ay umamin na nga ang dalawa sa kanilang relasyon.

Kung napansin ninyo, bigla ring naglaho ang bango ni Daniel sa publiko mula nang maging sila ni Erich. Hindi dahil sa malas si Erich sa kaniya pero ganoon talaga dito sa bansa natin – once a matinee star admits na taken na siya ay nawawalan talaga ng gana ang fans nila. Nawawala na ang magic ng pagiging star nila, kasi nga, napakselosa ng mga fans.

That has always been the case. Iba yung nagpapa-cute lang na loveteam – iba rin yung umaamin na talagang magsyota na. Iyan ang nakasira sa career ni Daniel. Kay Erich wala na namang masisira eh, at sa nakikita namin, magpa-plateau na lang talaga ang career ni Erich – wala nang maiaakyat pa for many reasons.

Maraming ayaw siyang makatrabaho dahil nga sobrang suplada raw. Maldita rin daw ang aktres. Kungsabagay, kita naman sa personality niya ang pagiging suplada, di ba? Hayun, medyo nahawa na rin ng pagkanega ni Erich si Daniel kaya nawala ang init ng pagtanggap ng tao sa guwapong binata. Kasi naman, hindi pa nga stable ang career, nagseryoso agad sa lovelife.

“Paano na iyan? Hindi na masyadong matutupad ni Daniel ang pangarap niyang yumaman nang husto sa Pilipinas. Hindi ba’t mahirap lang ang pamilya nila back in Brazil kaya they opted to all live here in the Philippines? Akala kasi nila ay tuloy-tuloy na ang showbiz career ni Daniel dito at kikita ng limpak-limpak.

“Unang-una, he cannot speak Tagalog, malaking hadlang iyon sa kaniyang pag-aartista. Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay English speaking ang magiging role niya. Pangalawa, he’s so middle of the road. Hindi kahusayan sa pag-arte at hindi naman kagalingan as a singer. Hanggang paraket-raket lang ang kaya niya. Pa-cute at times pero ngayon ay iba na siyempre – sino pa ang magkakainteres na fans sa kaniya eh alam na nilang nakatali na ang leeg niya kay Erich?

“Doon siya nagkamali, nagpabola siya in the name of love kuno. Baka akala niya, pag pumatol siya kay Erich who is another middle of the road actress ay bobongga ang career niya. Mali! The more na bumagsak ang pangalan niya. Nawalan ng amor ang fans niya sa kaniya. And of all girls, kay Erich pa siya napunta na sobra ang pagkanega,” anang isang kiyemeng analyst.

We also agree sa point ng kausap natin. Kasi nga, nagmamadali sa maraming bagay. Nagmamadaling yumaman eh, kulang naman sa talent. Nagmamadaling magdyowa without realizing the consequences ng pagiging taken. At napunta pa sa isang babaeng hindi rin kagandahan ang imahe, patay nga siya. Kaya good luck na lang sa career ni Daniel. Baka bukas-makalawa ay mag-alsa balutan na lang ito at bumalik sa Brazil. Wawa naman.

Read more...