Pinayagan ng Sandiganbayan First Division si Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na makalabas sa kanyang kulungan upang maipagamot ang labis na pananakit ng kanyang likod at paa.
Sa desisyon ng korte sinabi nito na maaaring makalabas si Revilla ng anim na beses sa loob ng dalawang linggo. Hindi maaaring lumagpas ng isang oras ang kanyang therapy sa bawat paglabas.
“After deliberating on the matter, the Court resolves to grant the motion for humanitarian considerations,” saad ng desisyon.
Si Revilla ay lalabas ng kanyang kulungan sa Philippine National Police custodial center at dadalhin sa PNP General Hospital.
Hinarang ng prosekusyon ang mosyon ni Revilla dahil kulang umano ang mga patunay na ibinigay nito sa korte upang mapatunayan ang pangangailangan na siya ay lumabas ng kulungan.
“(T)he PNP is directed to provide security detail and put in place security measures for the safe transport of the accused from and back to his detention cell, and to report to the Court the dates and time the sessions took place, within five days after the last session conducted.”
Si Revilla ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng pagtanggap umano ng kickback sa mga non government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang pork barrel fund.
Revilla pinayagang makapagpagamot ng likod, paa
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...