Sulat mula kay Neriza ng Catalunan, Grande, Davao City
Dear Sir Greenfield,
Gusto kong malaman ang aking magiging kapalaran kasi marami sanang dumarating na opportunities sa aking buhay, ang kaso mahina ako sa decision making. Kadalasan tuloy mali ang nagiging desisyon ko kaya nauuwi sa luha at pagsisisi hanggang ngayon mabigat parin ang mga dalahin ko sa buhay. Gusto ko sanang mag-abroad pero kulang pa ang perang naiipon ko para sa pang-gastos naming mag-anak. Failure rin ako sa relationship, money at job. Kahit nga nagyon I’m into a wrong guy. Gusto ko na rin iwanan ang kasalukuyang buhay ko pero financially unstable ako. Makakatagpo kaya ako ng guy na tatangapin kung sino at ano ako sa kasalukuyan? Kailan kaya darating ang suwerte aking buhay? September 1, 1988 ang birthday ko.
Umaasa,
Neriza ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Maganda naman at malawak ang iyong Life Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung talagang desisdo at magiging buo ang loob mo sa pag-aaplay sa ibayong dagat, tiyak ang magaganap, sa taon ding ito ng 2015 hanggang 2016 sa edad mong 27 pataas may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Cartomancy:
King of Clubs, Seven of Diamonds at Eight of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing basta’t ituloy mo lang ang pag-aaplay sa abroad at lalo mo pang sipagan, sa tulong ng isang lalaki na nasa edad 40 pataas, tiyak ang maganap sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Hulyo hanggang Agosto may isang mabunga at mabiyayang pag-aabroad na itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy….