Sharon masisira kapag nagsalita si KC; Kiko ipinakita ang pagmamahal sa anak

sharon cuneta

IBINANDERA ni KC Concepcion sa social media ang pagpunta ng stepfather niyang si Kiko Pangilinan sa ginanap na photo exhibit nila ng fashion photographer na si Mark Nicdao.

Ang mapagbebentahan ng mga larawan ay ido-donate para sa earthquake victims sa Nepal. Todo-todo ang pasasalamat ni KC sa pangalawang asawa ng kanyang inang si Sharon Cuneta nang bigla itong bumisita sa nasabing photo exhibit at bumili pa ng isang obra roon.

Sa kanyang Instagram account, pinasalamatan ni KC si Kiko sa pagsuporta sa kanyang charity event. Isang larawan ang ipinost ng TV host-actress sa IG kung saan makikita si Kiko na naka-pose sa tabi ng isang litrato na nasa exhibit.

This is the same picture na sinasabing pinakapaborito ni KC sa lahat ng larawan na naka-display sa kanilang exhibit na ginanap sa The Atrium ng SM Megamall.

Nilagyan niya ito ng caption na: “So sweet of you to pop by the exhibit, Dad!!! S/O for purchasing your #KCxMN photo @ 2×3 ft. It truly means a lot. #PHxNEPAL #PhotographyForACause #Family #TheKidsWillBeAlright #UNWFP!”

Ang pagkikita ng mag-ama ay nangyari matapos aminin nina KC at Sharon na totoong meron silang hindi pagkakaunawaan ngayon. Nagsimula ang isyu sa mag-ina matapos mag-react si Mega sa mga seksing larawan ng anak na naglabasan sa social media.

Hindi na kasi nagugustuhan ni Sharon ang ginagawang papapakita ng katawan ni KC sa madlang pipol, inamin din niyang nasasaktan na siya dahil dito.

Pero ayon kay Mega, hindi lang daw ang pagpapaseksi ni KC ang dahilan ng kanilang hindi pagkakaunawaan. Sabi pa ni Sharon, “I wish all this was just about sexy poses…the reasons are sad and not made public as they are personal and have been going on for way longer than people will ever know.”

Para naman kay KC, hindi na kailangang malaman pa ng publiko ang dahilan ng pag-aaway nilang mag-ina, “I feel na to protect her, ayoko nang magsalita at palakihin ‘yung issue, and because I love my family, I feel na… I’m very hopeful na whatever we’ve been going through for a long time na, will be fixed.”

May mga nabasa kaming komento mula sa ilang netizens na ano raw ba ang sinasabi ni KC na pinoprotektahan lang niya ang kanyang ina kaya ayaw na niyang magdetalye pa sa away nila?

Sey ng isang basher, “Bakit feeling ba ni KC, si Mega ang masisira kapag ipinagsigawan niya sa buong mundo ang dahilan ng pag-aaway nila? E, siya nga ang pinoprotektahan ng ina niya! Makinig na lang kasi siya sa nanay niya para bumuti ang buhay niya. Tandaan niya, ang mga anak na suwail, walang mararating sa buhay!”

 

Read more...