Pelikula nina Sandara Park at Sam Milby ibinasura

sandara park

AGAW-PANSIN sa counter ng beauty clinic na Faces & Curves ni Dr. Jay Recasata ang picture nila na magkasama ng dating Kapamilya star at K-Pop sensation na ngayong si Dara Park.

Madalas daw kasi na bigla na lang silang gugulatin ni Dara (Sandara) sa kanyang opisina tuwing dumarating sa Pilipinas at pumapasyal sa kanyang clinic.

As most of us know, second home na ni Dara ang Pinas. Kaya may mga pagkakataon na pasimple siyang umuuwi sa bansa natin para magbakasyon at makita ang mga taong close sa kanya rito.

Kaya pansinin ninyo may mga nagtu-tweet or nagpo-post sa Instagram na kesyo nakita si Dara sa isang coffee shop or nanonood ng show sa Zirkoh Comedy Bar sa Kyusi.

Dito nalaman namin na magiging solo artist na si Dara at magiging isang ganap na Korean actress. Kinuha na pala si Dara to star sa isang drama series sa Korea na malamang ay maipalabas din dito sa atin.

Kaya antay-antay lang at mapapanood ulit ng mga Pinoy si Dara na umaarte, and this time, sa isang Koreanovela na paborito ng marami nating mga kababayan.

Pero ‘yun na muna ang detalyeng ilalabas namin kasi mahigpit daw ang TV networks sa Korea sa paglabas ng balita na hindi pa nila pormal na ina-announce. At maging kay Dara, ‘di niya feel na may lumalabas na balita ahead of her.

Baka mabigyan nga naman ng ibang interpretasyon. Gaya na lang nu’ng may isyu when she watched a show sa Zirkoh na parang lumalabas na atat siya doon sa nagpe-perform instead of her just enjoying her time with her Pinoy friends na kasama niyang nagpunta doon.

At ‘yung isyu na ikinabit sa kanya tungkol sa pagbabalik sa Kapamilya network ng dati niyang ka-loveteam na si Hero Angeles. Lumabas daw ang tsikang ‘yun sa isang tabloid and would you believe na kahit ‘di ito sa social media lumabas, e, umabot pa rin kay Dara ang balita sa Korea.

Anyway, ayon pa sa aming source, hindi na rin daw tuloy ‘yung plano sana na magsama sila sa isang movie ng heartthrob at singer din na si Sam Milby.

Read more...