Liza sinagot na si Enrique: Lagi lang kasi siyang nandiyan para sa akin!!!

enrique gil

Puro positive words ang naririnig naming description sa bagong ila-launch na major female artist ng Star Cinema via the movie “Just The Way You Are” na si Liza Soberano.

Wala pa kaming narinig na any single word na negative about her from day one na ini-launch ang loveteam nila ni Enrique Gil sa seryeng Forevermore hanggang sa gabi ng presscon ng movie nilang “Just The Way You Are” na ipapalabas on June 17 and directed by Theodore Boborol.

Patunay lang na maayos napalaki si Liza kahit na sa Amerika siya nakatira and without her mom. At feeling namin sadyang may nakabaon na magandang ugali deep inside kay Liza.

Kasi kung iba lang ‘yan na iniwan ng kanyang ina at lumaking kasama lang ang kanyang lola, e, malamang daw ay another pasaway na artista lang din siya sa showbiz.

Kaya nasa tao rin talaga ‘yun kung paano niya ikekeri ang sarili niya, e. That’s one of the many traits ni Liza kung bakit marami agad ang nahulog sa kanyang charm sa Forevermore. Hindi put-on ‘yung napapanood nila saTV.

Ika nga, e, natural na lumalabas talaga kay Liza ang kanyang charm at ang pagiging mabuting tao. Tuloy ‘yung ganda niya lalo pang nadadagdagan na siyang “kinahuhumalingan” ng maraming male audience ng Forevermore.

Naku, saksi kami kung gaano karami ang lalaking fans ni Liza. At hindi lang mga bagets kundi pati mga forgets, huh! For sure, wish ni Liza na panoorin din ng kanyang “male audience” ang launching movie nila ni Enrique as loveteam sa “Just The Way You Are” na dating “The Bet” ang title.

“Kinakabahan po ako. Syempre people are paying to watch. Syempre when you pay, gusto mo sulit ‘yung panonoorin ko po. Kaya gusto ko sulit din ang audience kapag pinanood nila ang movie namin.

Sana marami ang manod para…wala. Ha-hahaha! Para happy,” bitin na sabi ni Liza. Bidang-bida na ngayon si Liza na dati ay naging third party sa loveteam nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

“Nakakapanibago po siya, kasi dati kapag kasama ko ang KathNiel, syempre, sila lagi ‘yung napapansin. Sila lagi ‘yung nasa front row. Tapos ako, parang ngayon I’m in their shoes. Parang I’m in that position. Sobrang overwhelming.

“It makes me happy because parang going through all the things I went before being a third wheel lang and being hated by a lot of people, now that…people are showing more love to me it feels very nice. Basta, iba talaga ang feeling.

It makes me happy,” pahayag niya. On a personal level, inamin ni Liza na may mutual understanding na sila ni Enrique about their relationship. Meaning, pareho nilang alam that they both like each other, “I like somebody kasi who’s always there for me. Parang someone I can tell everything too. So, what do you call that?”

Oo nga naman. At least nagpakatotoo lang si Liza at hindi siya sinungaling dahil sinasabi niya ang totoo.Anyway, kasama rin sa movie sina Yayo Aguila, Myrtle Sattosa, Alex Diaz, Marco Gumabao, Yves Flores, Sue Ramirez at Erin Ocampo.

May special participation din dito sina Tonton Gutierrez at Sunshine Cruz.

Read more...