5 estudyante sugatan sa bubuyog

Bees

Bees


Sugatan ang limang college student nang dumugin ng mga bubuyog sa loob ng isang forest park sa La Carlota City, Negros Occidental, kamakalawa (Martes), ayon sa pulisya.

Nagtamo ng sugat sa ,iba-ibang bahagi ng katawan sina Odessa Sales, 19; Lynvie Sagayno, 19; Allya Bicoy, 19; Roderick Makiputin, 21; at Ethel Dominique, 19, ayon sa ulat ng Negros Occidental provincial police.

Sina Sales at Sagayno ay kapwa estudyante ng University of St. La Salle, Bacolod City, habang sina Bicoy, Makiputin, at Dominique ay mga estudyante ng Mindanao State University, Iligan City.

Ang lima, na pawang may mga kursong Biology sa kani-kanilang paaralan, ay nasa Guintubdan Wilderness Park ng Brgy. Ara-al para mag-research nang salakayin ng mga bubuyog, ayon sa ulat.

Naglalakad sila sa trail ng park nang makasalubong ang isang kulumpon ng honey bee, na biglang umatake at pinagkakagat ng bubuyog sa iba-ibang bahagi ng katawan, sabi sa ulat.

Isinugod ng mga miyembro ng lokal na rescue unit ang mga estudyante sa Don Salvador Memorial District Hospital para malunasan.

Read more...