MAKARAANG kumita ng malaking halaga ng salapi mula sa kanyang pang-oorbit sa isang wanted na foreigner sa bansa, target ngayon ng isang mataas na opisyal sa isang ahensya ng pamahalaan ang pwesto ng kanyang mismong hepe.
Ayon sa ating cricket, backer din ng opisyal na ito ang ilang local official mula sa Southern Tagalog Region na sinasabing malalapit na kaalyado sa pulitika ni Pangulong Noynoy Aquino.
Makaraan kumandidato bilang Vice Mayor at natalo sa isang bayan sa Region 4A ay kaagad ding nakakuha ng mataas na pwesto sa gobyerno ang abogadong ito dahil bata siya ng isang bigating gobernador sa Timog Katagalugan na ngayon ay may kaso rin ng katiwalian na hinaharap sa tanggapan ng Ombudsman.
Pati ang ilang mga kongresista ay nanggigigil sa opisyal na ito dahil nabukulan daw sila makaraang gamitin ang kanilang mga pangalan para makahingi ng lagay sa isang wanted na Chinese National na matagal nang nagtatago sa ating bansa.
Sinabi ng ating cricket na kilalang mahusay sa money-making scheme ang opisyal na ito na nagsilbi ring abogado ng isang kilalang negosyante na sabit sa multi-billion peso housing scam sa ating pamahalaan.
Dahil sa takaw sa pera ng abogadong ito kaya siya pinalitan bilang legal counsel ng naturang negosyante na hanggang ngayon ay nakakulong pa rin.
Nitong mga nakalipas na araw ay naging laman ng mga balita ang pa-ngalan ng opisyal na ito makaraan umano siyang manghingi ng milyong halaga ng dolyar sa isang Chinese fugitive na matagal nang nagtatago sa Pilipinas.
Pero sa totoo lang ay hindi lang pala pera kundi ang pinakamataas na pwesto sa kanyang pinaglilingkurang ahensya ang target ni Mr. Government Official.
Ilang mga empleyado ang pinangakuan niya ng kung anu-anong mga bagay sakaling siya ang humaliling “Bossing” ng ahensya.
Masyado raw nagmamadali ang abogadong ito na tila ay may hinahabol na quota kaya naman wala siyang paki-alam kahit siya na ay la-ging laman ng mga tsismisan sa mismong loob ng kanilang tanggapan.
Halos lahat daw sa kanilang opisina ay alam ang mga kalokohan ng opisyal na ito na sinasabing natuto ng kalokohan nang maging sidekick ng kanyang idol na gobernador na mula sa Southern Tagalog Region.
Ang opisyal na ito na nakatakda ring ipatawag sa Kongreso sa mga susunod na araw dahil sa pangingikil sa isang wanted na
Chinese national ay si Atty. R….as is Atty. Retail.