Walang time ang BF

HI MANANG. May boyfriend po ako na super- busy sa work kaya halos di na po kami makapag-date at madalang niya na po ako kausapin kahit sa text o call pati po sa FB.

Senyales po ba ito na ayaw na niya sa akin? Ano po ang dapat kong gawin dahil hindi ko po alam ang sasabihin ko sa kanya?

Mahal ko naman po siya at sabi niya mahal niya rin ako. Please help me and more power po sa inyo!
— Sarah Castillo, 24, Mariveles, Bataan

Hello sa iyo, Sarah, ng Bataan. I will not make that assumption yet. Depende kasi iyan sa kung gaano ba kadalang ‘yung madalang. As in wala bang communication in a week or in three days? Kapag in a week,
medyo kakabahan ako.

Maybe you can tell him na napapansin mo na hindi na kayo kasingdalas nung dati kung mag-usap, and hear him out—baka naman he needs to focus a bit sa work.

Ang relasyon, o kahit ano pang bagay, kapag importante para sa iyo, bini-bigyan mo ito ng pagpapahalaga at oras. Ano ba ang pakiramdam mo? May nararamdaman ka bang totoong panlalamig niya?

Bumabawi ba siya sa paraang kaya niya para iparamdam sa iyo na mahal ka niya o talagang wala ka nang makita o maramdaman na kahit na anong effort? Trust your gut, but talk to him first para maunawaan mo rin siya.

 

Ang payo ng tropa

Good day Sarah!

Hindi mo nabanggit kung ilang years na kayo ng BF mo, girl. Pero huwag kang masyadong ma pra-ning kakaisip na hindi ka na like ng dyowa mo, nakaka pangit lang ‘yan ng aura.

Sabi nga niya sobrang busy talaga, baka nga totoong busy talaga sa work ang BF mo, neng. Ilang weeks na bang hindi nagpaparamdan sa iyo ang dyowa mo? Baka naman two or three days lang eh galit ka na. (Joke!)

Ang pinaka the best talagang gawin mo ay makipag-usap ka sa kanya kung ano na ang status ng relationship n’yo. Gaya nga ng sabi mo walang time makipag date sa iyo, text or call at pati na rin sa FB si dyowa.

Kung alam mo kung saan siya nagwo-work baka puwede mo naman siyang bisitahin dun. Wala namang masama kung papasyalan mo siya sa trabaho niya kasi mag-on naman kayo at mahal mo naman.

Siguro naman kahit sa break time niya maaari kayong mag-usap.

Doon mo lang malalaman kung ano talaga reason, di ba?

So girl, go-go-go. Don’t waste your time sa kakaisip. Habang maaga, alamin ang totoo at kung ano talaga ang reason! Good luck!

Ate Jenny B.

May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or jenniferbilog@yahoo.com.ph o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.

Read more...