AKO ay tubong-Sultan Kudarat na matatagpuan sa southern part of the island of Mindanao at ngayon ay nakatira na sa Tandang Sora,Quezon City.
May mga kamag-anak ako na gustong mag-avail ng Philhealth at SSS kahit voluntary lamang. Ang problema ay wala sila kahit isang identification card na maaaring gamitin o maipakita. Ganito rin po ang problema ng iba kung kababayan doon.
Ano ang dapat gawin ng aking mga kamag-anak na wala man lamang isang ID na magamit at hindi rin nairehistro sa NSO ang kanilang pangalan dahil na rin sa kahirapan? Sana ay masagot ninyo ang aking katanungan. Salamat po.
Reply: pagbati mula sa Team PhilHealth!
Ikinagagalak po na-ming ipaalam sa inyo na ang pagpapamiyembro sa PhilHealth ay mas pinadali.
Ito ay alinsunod sa ating layunin na “Bawat Pilipino…Miyembro; Bawat Miyembro…Protektado; Kalusugan natin, Sigurado.”
Sa pagpaparehistro, kailangan lamang po na kumpletong mapunan ang ating PhilHealth Member Registration Form (PMRF) at maaaring hindi na magsumite ng iba pang karagdagang dokumento. Magtungo lamang po at ipasa sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO) sa inyong lugar ang naturang form.
Maaari po ninyong bisitahin ang aming website www.philhealth.gov.ph o sa pinakamalapit na PhilHealth Local Health Insurance Offices (LHIO) para makakuha ng kopya ng PMRF.
Para po sa iba pang katanungan ay maaari po kayong mag-send ng e-mail sa amin o tumawag sa aming action center hotline sa numerong 441-7442.
Maraming Salamat po.
CORPORATE
ACTION CENTER
Website: www.philhealth.gov.ph
Twitter:
@teamphilhealth
Facebook:
www.facebook.com/PhilHealth
Call Center:
441-7442
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or [email protected].
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.