Karla Estrada inireklamo: Nagbago na nga yata siya!

karla estrada

Sa mga kuwentong nakararating sa amin, lalo na mula sa mga taong dati niyang inaabala, siguro nga ay kailangang irebyu ni Karla Estrada ang PR-101.

Hindi na nga siguro puwedeng gamutin ng aming paliwanag na sobrang abala lang ngayon ang dakilang ina ni Daniel Padilla kaya hindi na niya nakukumusta man lang ang mga taong dati niyang nilalapitan nu’ng mga panahong palagi siyang nangangailangan ng pampinansiyal na ayuda.

Sabi ng isang nakakuwentuhan naming dapat tanawan ng utang na loob ni Karla, “Nakuha ko ang bagong number niya, tinext ko siya, nagpakilala ako. Natutuwa kasi ako sa kasikatan ni DJ, kahit saan ako magpunta, pinag-uusapan ang bata.

Kinumusta ko si Karla. “Pero wala siyang sagot. Ilang ulit akong nag-text sa kanya, tumatawag pa nga ako, pero hindi siya sumasagot. Nagbago na nga yata siya,” malungkot na kuwento ng aming kausap.

Sikat na sikat si Daniel ngayon, pero walang katiyakan ang karera ng mga artista, mapagbiro ang kapalaran kadalasan. Gaano man kaabala si Karla ngayon, kahit paano’y isingit niya naman sana ang pangungumusta sa mga dati niyang kaibigan, lalo na ang mga taong madalas niyang abalahin nu’n sa matindi niyang pangangailangan.

Read more...