Bagong Asian import ibabandera ng Barangay Ginebra

Ginebra

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
4:15 p.m. Blackwater
vs. Rain Or Shine
7 p.m. Barangay Ginebra vs. Globalport
MAGPAPARADA ng bagong Asian reinforcement ang Barangay Ginebra sa salpukan nila ng Globalport sa PBA Governors Cup mamayang alas-7 ng gabi sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa unang laro sa ganap na alas-4:15 ng hapon ay magkikita ang Rain or Shine at Blackwater Elite.
Kinuha ng Gin Kings ang Koreanong si Jiwan Kim upang humalili sa Mongolian na si Sanchir Tungalag. Si Kim ay isang scorer na kailangan ng koponan at hindi isang playmaker.
Natutuwa naman si bagong Ginebra coach Frankie Lim dahil kumpleto na ang kanyang line-up sa pagbabalik nina Greg Slaughter at Japeth Aguilar buhat sa injured list. Sila ay natutulungan nina Mark Caguioa, LA Tenorio, Jayjay Helterbrand at Josh Urbiztondo.
Ang Gin Kings ay tinambakan ng San Miguel Beermen sa kanilang huling laro, 100-85, at buumagsak sa 2-4.
Ang Globalport ay galing sa 123-120 panalo kontra Talk ‘N Text upang mapatid ang two-game losing skid at umakyat sa 4-2 kartada.
Ang Batang Pier ay pinangungunahan ng Amerikanong si Jarris Famous at Palestinian na si Omar Krayem.
Ang kanilang local support ay kinabibilangan nina Terrence Romeo, Stanley Pringle, Keith Jensen, Billy Mamaril at Anthony Semerad.
—Barry Pascua

Read more...