ANGELICA: Bakla ka ba? Sinungaling ka ba?

Mahiwagang tanong para sa misteryosong tao sa kanyang buhay  

Tila inamin na ni Angelica Panganiban na meron ngang something special na namamagitan sa kanila ni John Lloyd Cruz.

Sa ipinost niyang photo using Instagram where she was shown with Papa Lloydie ay nakakaloka ang caption, something which definitely describes the state of her heart.

“Welcome, happiness. Joy, pursued.

Welcome everyone. Especially those who are smiling out of warmth.” ‘Yan ang caption ni Angelica sa Instagram photo niya.

Apparently, the photo was taken while the two were on a break from work.

Tipong nagkasayahan lamang silang dalawa.

Merong kuha na nag-iihaw ng isda at ang ganda-ganda ng aura ni Angelica. Could this mean na inaamin na nila sa publiko ang kanilang relasyon?

Angelica also became too public about her feelings lately.

Aba, nakakaloka ang pinost niya sa kanyang Twitter account recently.

“Sinulat ko noong April 2011 pa.. Ang tagal.. Noon pa man. Buti na lang okay na ngayon :))” tweet ni Angel.

She was referring to her message sa blog na last year pa niya sinulat.

It read: “Bakit ang daming tao na napaka-insensitive? na hindi nila kayang i-respeto yung mga bagay na gusto mo at mga bagay kung saan ka magiging masaya. ang lagi lang mahalaga yung kaligayahan nila. yung sarili nila. pero yung pag papasaya sa iba, nakakalimutan nila.

“Maraming takot sa mundo na magsalita ng nararamdaman nila, yung totoong emosyon nila dahil hindi sila handa na maging bukas sa mata at puso ng mga kaibigan nila o ng pamilya nila.

“Hanggang kailan ka magtatago sa tunay mong nararamdaman? masaya ka ba? mahal mo ba sya? mahal mo pa ba sya? bakla ka ba? sinungaling ka ba? ang dami natin tinatago sa sarili natin tapos ang laki ng hinihingi nating kapalit. yun ay ang maging totoo sila satin. paano mangyayari yun kung hindi ka totoo sa sarili mo?”

“Ano ba ang mas matimbang? sabi nila, maging totoo ka sa sarili mo at sa ibang tao para yun ang ibalik nila sayo. sabi naman ng karamihan, mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba. tama diba? papano kung nasobrahan yung pagmamahal mo sa sarili mo? nakalimutan mo na ang iba. naging madamot ka na, kasi puro na lang sarili mo ang iniisip mo?

“Sa sobrang mahal mo ang sarili mo, nakalimutan mo ng mag mahal ng iba. nakalimutan mo ng magbigay sa iba. lalo na sa taong nakalimutan naman mahalin ang sarili nya, para lang mahalin mo sya..”

Kaloka si Angelica, ha, parang she’s telling the whole world na sila na ni John Lloyd talaga.

For me, wala namang big deal dahil karapatan nilang dalawa ang lumigaya, pero dapat ready sila sa kung anumang consequences na hatid ng kanilang pagmamahalan.

Read more...