TULUYAN nang nasira ang tsansa ni Vice President Jojo Binay na ma-nalo sa pagkapangulo sa 2016 national elections nang pinirmahan ni Sen. Grace Poe ang Senate draft report na nag-rerekomenda na sampahan siya at ang kanyang anak na si Makati Mayor Junjun ng kasong plunder.
Ang kasong plunder ay itinuturing na isang heinous crime kaya’t wala itong piyansa.
Si Poe ay isa sa mga may kredibilidad at marangal na miyembro ng Senado.
Maaaring masama ang loob ni Poe nang pirmahan niya ang report ng Senate blue ribbon subcommittee dahil sa kanyang pagiging malapit sa pamilya Binay.
Si Poe ay ninang ng isa sa mga anak ni Makati Congresswoman Abigail Binay. Ang totoo niyan, palaging nag-uusap si Abby at Grace.
Si Jojo Binay naman ay campaign manager ng yumaong aktor na si Fernando Poe Jr. o FPJ, tatay ni Grace, na tumakbo pagkapangulo noong 2004 elections.
Kung si Grace Poe, isang matalik na kaibigan ng mga Binay, ay pumirma ng Senate report, walang dahilan kung bakit hindi pipirma ang mga kasamahan nito na nababahuan sa ugali ni Jojo Binay.
Isang senador, na hindi ko na babanggitin ang pangalan, ang nagsabi na mabaho ang pag-uugali ni Vice President Binay.
Hindi ko na isasalin sa Tagalog ang sinabi ng senador dahil mas matindi kung sa wikang Ingles.
Sabi ng senador: “He thinks the world owes him and his family a living. He has the letter ‘B’ with a tail on all business permits and in public places like it’s the family’s coat of arms. He’s not yet president but he goes around as if he already is with bodyguards in full battle gear and sirens in full blast to announce his presence. He’s so full of hot air now, what more if he becomes president.”
Punong-puno raw ng hangin itong si Jojo Binay kaya’t palagi siguro itong kinakabagan at utot nang utot, sabi ng senador.
Sabi ng senador, ganoon din daw ang pagtingin ng kanyang mga kasamahan kay Binay.
q q q
Dahil maaaring ma-ging karibal sina Davao City Mayor Rody Duterte at Vice President Jojo Binay sa 2016 presidential election, hindi natin mapigilan na ikumpara ang dalawa.
Pero parang kinukumpara naman natin ang tricycle sa BMW sports car.
Si Duterte ay naglilibot ng Davao City na dalawa o tatlong bodyguards lang.
Paminsan-minsan ay nagmamaneho siya ng taxicab at namimik-ap ng mga pasahero upang makahuli siya ng mga kriminal sa akto.
Sa ibang pagkakataon, naglilibot siyang mag-isa sa kanyang motorsiklo at hinahanap ang mga pulis na natutulog sa pansitan.
Ang tanging kasama lang ni Duterte ay ang kanyang .45 caliber pistol o .357 Magnum revolver.
At siyempre, walang record si Duterte sa corruption; ang tanging bahid sa kanyang public record ay ang mga dugo ng mga pusakal na kri-minal at drug pushers o traffickers.
Sa kabilang dako, si Binay, noong siya ay mayor ng Makati City, ay palaging nasa loob ng kanyang opisina sa City Hall na maaaring nagbibilang ng limpak-limpak na salapi.
Kung siya’y naglilibot sa lungsod ng Makati, siya’y nakasakay sa bullet-proof na kotse na sinusundan ng ilang kotseng lulan ng maraming bodyguards.
Ang convoy ay nagwa-wangwang na labag sa kautusan ni Pangulong Noynoy.
Ganoon din ang gawain ni Binay ngayong Vice President na siya.
ung lumabas man siya ng kanyang opisina, ito’y upang mangampanya.